PINAGMASDAN ni Sunday Blue ang Casa Carillo, ang building ni Jem. Nagtuloy-tuloy naman sa loob ng convenience store si Tilly na sumasakop sa unang palapag. Nagyaya ang bata roon nang hapon na iyon pagkatapos ng klase. Nais talaga niyang makita ang building ni Jem kaya naman pumayag na siya. Pagpasok ni Sunday Blue sa convenience store ay natagpuan niyang binubuksan na ng bata ang isang popsicle. Kaagad nangunot ang noo ni Sunday Blue. “Si Ninong Jem po ang magbabayad,” sabi ng aking alaga bago pa man siya matanong ni Sunday Blue. “Sweetie, aware ba si Ninong Jem na may babayaran s’ya rito?” “Puwede kong ibawas iyan sa susunod na renta,” anang ginang na may maliwalas at palakaibigang mukha na nakapuwesto sa cashier. Siya si Mrs. Ramirez, ang may-ari ng convenience store. Kaagad niyang i

