“BAKIT HINDI mo sinabi na pauwi ka? Parang noong isang araw lang ay nakita kita sa TMZ.” Natatawang niyakap ni Sunday Blue si Ninong Augusto. He was the first who came. May idinedeliver na cakes si Ninang Angela sa ilang restaurants. Mommy was with Bea. Abala pa at hindi maakalis kaagad sina Daddy at Andres sa ospital. Ngunit nangako ang lahat na magtutungo sa bahay ni Bea pagkatapos na pagkatapos ng mga kailangan nilang gawin. “Gusto ko po sanang sorpresahin ang lahat,” sabi ni Sunday Blue. “Napakagandang sorpresa. Hindi lang kami makahanap ng panahon pero plano talaga naming bumiyahe para mabisita ka.” Pinasadahan ni Ninong Augusto ng tingin ang kabuuan ni Sunday Blue. “You look great, Blue.” Pagkatapos ay tinapik-tapik niya ang balikat ni Jem. “She looks so good,” ang sabi pa niya sa

