GINUGOL NI Jem ang halos lahat ng oras niya kinagabihan sa pakikinig ng mga kantang inilagay ni Sunday Blue sa iPod nano. The songs were wonderful. Ang ilan ay si Sunday Blue pa mismo ang kumanta para kay Jem. Ang huling dalawang kanta ay sariling komposisyon ni Sunday Blue na hindi niya isinama sa kanyang album. Those songs were exclusively for Michaela. Pinigilan ko ang sarili kong makaramdam ng selos. Hindi man ako nabigyan ni Sunday Blue ng kanta, minsan naman niya akong binigyan ng cologne. I tried looking at the brighter side of things. Kinabukasan, ipinadala ni Jem ang iPod nano kasama ang isang malaking bouquet ng bulaklak. Michaela loved the romantic gesture of course. Nang yayain siya ni Jem na maghapunan ay walang dahilang tumanggi ang dalaga. Nagtungo sila sa isang pribado a

