SUMAPIT ang araw ng Linggo. Parehong kinakabahan at naiilang sina Bea at Sunday Blue habang patungo sa bahay namin. Hindi ko malaman kung bakit ganoon. My parents were the nicest people. Alam nila na walang dahilan upang matakot. “Should we bring something?” tanong ni Bea. “Flowers?” suhestiyon ni Sunday ngunit kaagad ding umiling. “That’s just downright lame.” “Hindi tayo puwedeng magdala ng food dahil masarap magluto si Tita Marti. Hindi rin puwede ang cake o anumang matamis dahil mahilig mag-bake ang mommy ni Jem na siguradong present din ngayong araw. Drinks?” Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Sunday. “No, I can’t deal with alcohol on this day. Alcohol-free day ang araw ng Linggo.” Nagsalubong ang mga kilay ni Bea. “Wala naman akong sinabi na alcohol drinks ang dadalhin natin.

