“H’WAG kang pupunta d’yan, honey. Hindi ka matutuwa. Paniwalaan mo `ko.” Nakangiti kong pinanood si Peighton na pinagsasabihan ang makulit niyang alaga. She had been a good friend to me. Peighton was simply the nicest person in there. Marami rin kaming pagkakapareho kaya mabilis kaming nagkakasundo. She died in an accident. She was on her way to her wedding. Kagaya ko, marami siyang naiwang mahal sa buhay. She had been so happy when she was alive and she was also happy being a guardian. Aaminin kong may mga pagkakataon na nalulungkot pa rin ako at inaasam na sana ay mabalikan ko ang dati kong buhay. Kapag nangyayari iyon, pinupuntahan ko si Peighton. Panonoorin ko siya sa ginagawa niya. Her smile and laugh gave me courage. Kung kinaya niya, kakayanin ko rin. Ang sabi ni Peighton ay napaka

