Nagpalinga-linga sa paligid si Maxine. Iniwanan niya ang kanyang kotse sa tapat ng motel at naglakad sa kalsada. Sinundan niya ang amoy ni Amelia. Dinala siya niyon sa isang silid-aklatan. Pagkatapos ay muli siyang lumabas papunta sa plaza. Ngunit hindi pa man siya nakararating doon ay napatigil siya dahil may nakita siyag supot ng inihaw na pagkain sa kalsada. Nakakalat ang iba niyon at wala na sa loob ng supot. Nilapitan niya iyon at hinawakan. Pagkatapos ay inamoy-amoy niya. Amelia. Napapikit siya nang mariin at nasapo ang noo. Dapat pala ay hindi na lamang niya isinama ang alaga. Binitawan niya ang inihaw at tumayo. Saka nag-dial sa kanyang cellphone habang nagtitingin-tingin sa paligid. Mayroon siyang nakitang mga street camera na nakasabit sa mga poste. “Hello, James. I need yo

