Chapter 15

1290 Words

Inihiga ni Maxine si Amelia sa sofa sa sala noong makarating sila sa mansyon. Wala pa rin itong malay kaya medyo natataranta na siya. Panay ang tunog ng kanyang cellphone ngunit hindi niya iyon pinapansin. Sigurado siyang hinahanap na siya ngayon ni James. Nagpunta siya sa kusina at kumuha ng isang pack ng dugo sa ref. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa tabi ni Amelia. Binuksan niya ang pakete ng dugo at bahagyang iniupo ang alaga. Dahan-dahan niyang pinainom si Amelia ng dugo. Natapon pa ang iba no’n dahil nanginginig ang kamay ni Maxine. Hindi maiwasang magalit sa kanyang sarili dahil hinayaan niya itong mangyari kay Amelia. Napaka inosente nito sa mundong kanilang ginagalawan. Mapa sa mundo ng bampira man or sa mundo ng mga tao. Ilang sandali pa unti-unting dumilat ang mga mata ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD