Panay ang paghinga nang malalim ni Stavros habang nakatayo siya sa labas ng mansyon ni Martini. Hindi niya alam kung ano ang dahilan bakit pa siya pinapunta nito rito. Ngunit nagpapasalamat siya dahil hinayaan nitong mabuhay ang kanyang pamangkin. Sa huli ay pinabatid na niya kay Martini ang kanyang pagdating. Kahit ano pa man ay kailangan niyang malaman ang desisyon nito. Naglakad papasok ng mansyon si Stavros. Isang modernong mansyon ang bahay ni Martini. Halos lahat ng mga kagamitan nito ay mga moderno. Nakalulula sa ganda. Hindi kagaya sa ibang mga bampira ay puti ang kulay ng bahay ni Martini. Mahilig ito sa maliliwanag na gamit. Sa ilang taon na pinagsisilbihan niya ito ay alam na niya ang mga gusto nito. Dumeretso siya sa silid-kainan ni Martini at doon niya na abutan ang binata

