Noong makauwe si Vhal ay agad siyang dumeretso sa istasyon. Pasimple siyang naupo sa malapit na parke roon. Ramdam niya at na aamoy mula sa kanyang pwesto na nasa loob pa rin si Crimson. Ngunit kahit anong gawin niyang pagtawag dito gamit ang kanyang isip ay hindi ito sumasagot. Crimson. Nasaan ka? tanong ulit ni Vhal sa kanyang isipan. Wala siya, tugon ng kanyang lobo. Napabuga siya ng hangin. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang pumasok sa loob at hanapin ang kaibigan. Napansin niya pa ang babaeng bampira na kanyang nakita sa warehouse. Papalabas na ito ng istasyon at sumakay ng sasakyan. Ibig sabihin ay isa siyang pulis? Kinagabihan ay umikot si Vhal sa likod ng istasyon. Wala na siyang maramdaman na ibang nilalang sa loob kundi mga tao lang. Mas madali para sa kanya a

