“A-Ano ang ibig mong sabihin, Tiyo? Anong mapapangasawa?” nagtatakang tanong ni Amelia sa tiyohin. “Magiging asawa mo si Senior Martini,” tugon ni Stavros. “Stavros? Ano’ng ibig mong sabihin? Anong asawa?” nagtatakang tanong ni Maxine. “Nakausap ko si Senior Martini. Hindi niya tayo isusumbong. Magiging ligtas ang buhay mo.” Tiningnan ni Stavros si Amelia. Palipat-lipat ang tingin ni Amelia kina Maxine at Stavros. Bigla siyang nalito sa sinabi ng kanyang tiyohin. Kabadong tumawa si Amelia. “N-Nagbibiro ka lamang, ‘di ba? Tiyo?” Mukhang hindi siya nagbibiro, Amelia, tugon ni Lia sa kanyang isipan. Tiningnan ni Amelia si Stavros. Umaasa na hindi totoo ang sinasabi ng kanyang lobo. Ngunit nakaramdam na lang siya ng pagkirot sa kanyang dibdib noong makita niyang seryosong nakatingins

