Napasinghap si Amelia noong muli siyang magising. Habol ang hininga na napaupo siya mula sa kanyang kama. Nalilitong inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. “Paano ako nakarating dito?” nagtatakang tanong ni Amelia sa sarili. Ang huli niyang na alala ay kausap niya si Martini at bigla siyang… Mabilis na tiningnan ni Amelia ang sarili. Nakahinga siya nang maluwag noong makita niyang mayroon pa rin siyang suot na damit. Humiga siya sa kama at muling pumikit. Bakit? Ano ang inaasahan mo? Na ginalaw ka ng lalakeng iyon? pabirong sabi ni Lia. “Pwede ba, Lia?” Napabuntonghininga siya. Pakiramdam niya ay ang bigat-bigat ng kanyang katawan. Para siyang sumabak nang matinding ensayo kay Maxine. Ano kaya ang ginawa niya? tanong niya sa sarili. Sinapo niya ang kanyang leeg at muli niya

