Binuhat ni Amelia si Vhal papunta sa kubo. Inihiga niya ito roon. Panay ang tulo ng kanyang luha dahil sa labis na takot sa sitwasyon ng binata. Wala na itong malay at patuloy sa pag-agos ng dugo mula sa tiyan nito. “Ano’ng gagawin ko?” umiiyak na sabi ni Amelia. Diniinan niya ng kanyang palad ang sugat nito kaya pati siya ay nalagyan ng dugo. Natural na naghihilom ang sugat ng mga lobo. Pero mukhang malalim ang sugat na natamo niya. “Alam ko! Paano ‘to patitigilin?!” natatarantang sabi ni Amelia. “Vhal? Vhal! Gumising ka!” Hindi pa rin nagkakaroon ng malay ang binata. Lalo nang napahagulhol si Amelia. Kung bampira lang sana si Vhal ay hindi na naging mahirap sa kanya na pagalingin ito. Ngunit hindi pwede. Magkaiba sila ng binata. Lubhang magiging mapanganib dito kapag makainom ito

