Nakasimangot ako habang nakatingin sa nakangising si Sophia na prenteng-prenteng nakaupo sa sala. Naiirita ako ng sobra sa pagmumukha niya at parang gusto ko siyang barilin ng wala sa oras. Nakakagigil talaga! ‘Yan ba ang mukha ng mapagkakatiwalaan?! Kaya hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi ni Cedrick tungkol sa babaeng ito eh. Kitang-kita nga kung gaano siya nag-eenjoy sa pagkabadtrip ko sa kanya. Araw ng Martes ngayon at nabigla ako nang pagkagising ko para sa umaga na iyon at habang pababa ako ng hagdan para sana ipaghanda ulit siya ng almusal ay nakita ko ang bruhang ito. Ang ganda pa naman ng gising ko nitong mga nakaraang araw dahil nga sunod-sunod na akong nagigising na bumubungad si Cedrick sa umaga ko. Mula sa likod ko ay narinig ko ang mga yabag ni Cedrick. Kahit

