Labing tatlong taon na ang nakalipas… tumatakbo ako no’n sa pasilyo. Hinahanap ko ang aking ama dahil may nais akong sabihin sa kanya na tila ba hindi ko kayang ipagpabukas. Halos katatapos lang ng pagsasanay namin no’n ni Dylan at palihim kaming naglaro pagkatapos. Nakita ko si daddy na naglalakad kasama ang tinatawag nilang Lord Shiva, sya ang isa sa matalik na kaibigan ni daddy at ang kanang kamay niya sa organisasyon; palabas sila noon ng study room ni daddy at tila paalis na para pumunta sa base. “Daddy!” tawag ko sa kanya at agad naman akong nilingon nito. Ang totoo… natatakot ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang gusto kong sabihin dahil ang mga mata nya ay palagi na lamang matalim at tila ba napakalamig nito na para bang walang emosyon. Bihira ko lang

