Vishu’s Pov: "Kahit kailan talaga... pinakakaba ako lagi ng batang ‘yon!" sabi ni Vishnu pero kung titignan mo sya ay hindi iyon mababanaag sa kanyang hitsura. Hindi halatang nag-aalala sya dahil napapanatili nya ang kalmadong anyo kahit na nasa delikadong sitwasyon. Napangisi na lang ako sa isipin nang pagkakahalintulad ng mga ugali nilang mag-aama. "Sa totoo lang ay hindi ko talaga gustong payagan sumugod ang tatlong ‘yon ng sila lang… kaya lang wala ng oras! Isa pa, nang marinig ko ang plano nya… kahit papano ay nakumbinsi akong magtatagumpay ito," pahayag ko kay Vishnu. Nagbuntong-hininga siya at bahagyang tumangu-tango sa akin. “Naiintindihan ko. Alam ko din na kahit pigilan mo sila, sa katigasan ng ulo ng mga batang ‘yon… siguradong gagawin pa rin nila ito! Tama lang ang iyong gi

