Dylan's pov: Makalipas ang dalawang buwan mula nang magising si Aizen ay naging abala na kami sa mga sunod-sunod na preparasyon. Dalawang buwan na lang din kasi ay kaarawan na nya… at sa araw din na iyon ay itatakda sya bilang bagong pinuno ng organisasyon. Ang susunod noon ay ang kasal nila ni Sashna ngunit siguradong wala pang alam si Sashna tungkol do’n. Paano kaya iyon sasabihin ni Aizen? Huh! Uhm! Napaunat na lang ako ng aking mga braso nang maramdaman ko ang pagod. Ibinali-bali ko din ang aking leeg dahil sa pangangalay. Ilang oras na ba ako sa harap ng aking kompyuter? Sa dami ng ginagawa ko ay hindi ko na nasamahan si Venice sa pagpapa-check-up. Mabuti na lamang at hindi abala ngayon si Sasna at Kirsten kaya sila ang sumama sa kanya. Tatawagan ko na lamang siya mamaya para kumus

