Callix's pov: Hinanap namin si Sashna. Sa tulong ng gps ng piercing charm nya... nahanap namin sya agad at ngayon, nakasandal kami ni Dylan sa kotse habang nakatanaw sa kanilang dalawa ni Aizen. Hating-gabi na pero nagawa pang magtungo dito ng kapatid ko sa tabing-dagat. Mukhang mabigat talaga ang loob ni Sashna dahil narinig pa naming ang mga sigaw nya ng paghihinagpis. Kahit nanghihina si Aizen ay napakaripas sya ng takbo pababa ng sasakyan nang marinig nya ang mga iyon. Hinayaan na lamang namin na sya na ang magpatahan kay Sashna, dahil sigurado naman kaming sya talaga ang makakapagpagaan ng loob nito. "Hindi ako makapaniwalang... gising na ang sira-ulong ‘yan!" nakangiting sabi ni Dylan habang nakatitig sa kanila. "Yeah right, at sa mismong kaarawan mo pa,” ani ko at natawa ako ng

