Deciphering The Past: Sorrows

1458 Words

Makalipas ang tatlong buwan magmula nang dumating si Harris sa ampunan, naging maayos ang kaniyang buhay doon, at dahil kina Edward at Dreyfus na kaniyang naging matatalik na kaibigan, panandaliang nakalimutan ni Harris ang masalimuot na nangyari sa kaniya. “Drey, nasaan si Edward?” tanong niya sa kaibigang nagbabasa ng libro sa kaniyang higaan. “Nasa hide-out, nagkukutingting na naman ng kung ano kaya umalis ako do’n,” sagot ni Dreyfus. “May ginagawa na naman siyang kalokohan mula sa basura?” ani Harris. Tumango lamang si Dreyfus na nakatutok pa rin sa kaniyang libro nang bigla na lang siyang… hablutin sa damit ni Harris. “E-Eh, A-ahh… b-bitiwan mo ako Harris! Baliw ka!” hiyaw ni Dreyfus na inaalis ang kamay sa kaniyang damit. “Tama na kakabasa, puntahan natin si Edward,” nakangisin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD