Sumapit na ang gabi at tila hindi makalimutan ni Dreyfus at Edward ang kinuwento ni Harris sa kanila. Nakatitig lang si Dreyfus sa kisame at tila hindi dinadalaw ng antok. Naramdaman naman niya si Edward na tila di mapakali sa pagkakahiga at mukhang hindi rin makatulog. Sinilip niya ang kaibigan na nakahiga sa ilalim ng kanyang higaan. “Edward, huy!” mahina niyang tawag sa kaibigan. Napalingon naman agad sa kaniya si Edward, “B-Bakit?” Bumaba si Dreyfus mula sa kaniyang higaan ng walang ingay, nakatingin lang sa kaniya si Edward na bumangon na din sa kaniyang higaan. “Hindi ako makatulog, iniisip ko ‘yong kinuwento ni Harris!” “A-Ako din eh, nai-imagine ko ‘yong sinabi niya,” ani Edward at nanginig na napayakap sa kaniyang sarili, “K-Kinikilabutan ako p-pero… pero ang astig!” “Siraulo

