JAHAIZAH'S POINT OF VIEW “What are we doing here?!” pasigaw kong tanong kay Malrik, pero imbes na sagutin ako ay binuksan niya lang ang pinto ng kotse at lumabas siya roon. Sinundan ko ang galaw niya, patungo siya sa side ko at ilang sandali lang ay binuksan niya iyon. Nagsalubong ang aming mga mata at habang nakatitig ako sa kanya ay nakita ko ang kakaibang pagkislap ng mga mata niya. “Let's go, Liora,” paos na boses niyang sambit, kasunod niyon ay inilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan. Isang segundo ko rin iyong tinitigan, pero sa bandang huli ay inalis ko ang kamay niya sa harapan ko at naunang naglakad. Habang naglalakad ako palayo ay naririnig ko ang kanyang tao, mas lalo lang nalukot ang mukha ko dahil doon. “Wait for me, Liora. Baka maligaw ka,” dinig kong sambit

