PROLOGUE
PROLOGUE
JAHAIZAH'S POINT OF VIEW
“Pwede bang tigilan mo na ako, Malrik? Simula ng dumating ka sa buhay ko ay naging magulo ang lahat. I was supposed to live happylly in my
marriage with your half-brother,
but guess what? You're ruining
everyth—”
“Stop blaming me for that nonsense, Liora. Magiging magulo pa rin ang pagiging mag-asawa niyo kahit
na hindi ako dumating.” Pagputol
niya sa akin.
Napamaang ako at mas lalo siyang tiningala. Ang tingin niya ay bumaba para salubungin ang akin, sobrang tangkad niya kung kaya ay kailangan ko pang tumingala para masiguro kong diretsyo ko siyang matingnan sa mga mata.
“Paano mo naman nasabing magiging magulo? Everything was perfect
before you came into the picture,
Malrik. Adrian is way better compared
to you. You're nothing, but a j*rk!” mariing sambit ko sa kanya.
Ang buong akala ko ay magagalit siya, pero agad na kumunot ang noo ko ng makita ko ang dahan-dahang pagsilay ng isang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.
Napaatras ako ng nagsimula siyang humakbang, hindi siya huminto hanggang sa tuluyan ko ng maisandal ang aking likuran sa malamig na pader.
“Stop making me laugh, Liora.
I know that Adrian is way better
than me, but he couldn't fvck
you the way I did.” He said,
as he kept smiling at me.
Bumigat ang paghinga ko ng biglang dumapo ang kanyang palad sa aking balikat. Hinaplos niya iyon, pataas-baba, dahan-dahan na halos kapusin na ako ng hininga dahil sa kakaibang sensasyon na idinulot niyon sa buong sistema ko.
“See? Hinahawakan pa lang kita sa balikat mo, pero halos kumbulsyunin
ka na sa mismong kinatatayuan
mo, Liora. So tell me?
Is he really better than me?”
usal niya gamit ang mababang boses.
Wala sa sariling napalunok ako, iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at sinubukang alisin ang kamay niyang nakahawak sa magkabilang balikat ko. But his grip was too strong, preventing me from escaping.
“I'm your first, Liora. At sapat na
dahilan na iyon para malaman kong
may nararamdaman ka sa akin.
You've been in a relationship with him
for years, but you have yourself
to me first.” Aniya at punong-puno
ng pang-aangkin ang kanyang boses.
It was like he's declaring that he owes me, that I belong to him.
“Should we tell him that you spent
a night with me, before your wedding day?” nakangising sambit niya.
Sa mga sandaling iyon ay natauhan ako, malakas ko siyang itinulak at laking pasasalamat ko na nakawala ako.
Binigyan ko siya ng masamang tingin,pero parang balewala lamang iyon sa kanya dahil ngumingisi pa rin siya. Animo'y tuwang-tuwa habang pinapanood ang reaksyon ko.
“Wala kang sasabihin sa kanya,
Malrik! Dahil iyon na ang una at huli
na hahayaan kong makalapit ka sa
akin. Sa oras na sinubukan mo ulit
akong hawakan at malilintikan ka
talaga sa ‘kin!” Banta ko sa kanya..
Mas lalo lang akong nainis ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. He doesn't take me seriously. Ang akala niya ay nagbibiro ako, pero hindi! Seryoso ako sa sinabi ko at kung ipagpipilitan niya ang gusto niya ay may gagawin talaga ako sa kanya.
Sandali siyang yumuko at tumatawa pa rin. Sinisipa niya ang mga damo na tinatapakan niya at ilang segundo pa ay unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin..
He smirked at me, then his tongue moved in a playful way.
“What a cutie. Sa tingin mo ba ay matatakot ako sa banta mo?” sarkastikong aniya at inihinto ang paglalaro ng kanyang binti sa mga damo.
“I already tasted you, Liora. Right now? There's no turning back. No running away. You have no other options,
but to get used to seeing my face everyday. And seeing me everyday, means remembering what we did
that night.” Wika niya.
Nang akmang magsasalita ako ay biglang umalingawngaw ang malakas na boses ni Adrian. Naalarma ako bigla at bumaling sa direksyon kung nasaan siya, at nakita ko siya sa may garden at hinahanap ako.
Gumalaw ang mga paa ko upang lapitan siya, pero natigil iyon nang biglang hatakin ni Malrik ang mga braso ko at mariin akong isinandal sa pader kung saan ako nakatayo kanila
Ikinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya, ang mga mata niya ay matalim na nakatingin sa akin.
“You'll end up with me, Liora. Marked my words. I wanted to get my revenge, against this fvcking family. And knowing that you're involved with him?
Everything becomes more interesting, Liora. I can get my revenge, and I
can also have you as a reward.” Sambit niya.
Maya-maya lang ay gumalaw siya, ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko at napasinghap ako ng maramdaman ko ang paghapdi ng aking leeg.
“Kung hindi ka mapapasa akin ay hindi ka rin para sa kanya. No one could
have you, but me. I will make you mine,
Jahaizah Liora.
TO BE CONTINUED….