CLAIMING THE BILLIONAIRE'S, EX-WIFEUpdated at Sep 19, 2025, 05:09
Nabaon sa utang ang pamilya ni Cherry, dahil sa matinding pagkalugi ng kanilang negosyo. At sa kadahilanang iyon ay kailangan niyang pakasalan ang isang bilyonaryong si Nickolas Saldivar, kahit labag sa kanyang kalooban. Hindi naging madali para sa kanyang pakisamahan ang binata, ngunit sinisikmura niya lahat para mabayaran ang utang ng kanyang pamilya. Hanggang isang araw, isinama siya ni Nick sa isang bidding event. Doon ay nakita niya ang isang misteryosong lalaki, at sa hindi niya malamang dahilan ay hindi niya maalis ang kanyang atensyon sa lalaki. Ramdam niya na parang may kung anong malakas na pwersang nagtutulak sa kanya para lapitan ito, pero hindi niya iyon magawa dahil kasama niya ang kanyang asawa. Simula nang gabing iyon ay hindi maalis-alis sa isipan niya ang misteryosong lalaki. Hanggang isang araw ay nalaman niyang buntis siya, nang ipaalam niya ito kay Nick, ay nagalit ito sa kanya at tinatanggi na kanya ang batang nasa sinapupunan niya. At sa parehong araw na iyon ay nilapagan siya ng divorce papers ng lalaki. Dahil sa hiya at sakit ay napilitan siyang pumirma at binuhay nang mag-isa ang kanilang anak.Pagkalipas ng ilang taon, nag-apply siya bilang isang personal assistant, sa isang kumpanya. Ang hindi niya alam ay kilala siya ng lalaking magiging boss niya, si Kaellious Dela Vega. Ang lalaking minsan na siyang nakita sa isang bidding event na pareho nilang dinaluhan, noong may-asawa pa siya.Walang ideya si Cherry na ang kanyang bagong boss, ay ang lalaking nakakuha ng kanyang atensyon noon at matagal na siyang pinaghahanap nito. Nang nagkamabutihan na sila ng loob ay bigla namang nagbalik si Nick, upang bawiin siya. Pero hindi basta-bastang pumayag si Kael, dahil matagal na niyang hinahanap ang dalaga at ngayon ay nasa harapan na niya ito. Will Kael, fight for the love that he'd been waiting for a long time? Or he would just let her choose her ex-husband, again? Even it means, breaking his own heart.