PROLOGUE
CHERRY'S POINT OF VIEW
“P-pa,” nagmamakaawang sambit ko, habang nakatingin sa aking ama.
Ayaw kong gawin ang gusto nila…
Ayaw kong matali sa isang lalaking hindi ko mahal.
Kaya ngayon ay nakaluhod ako sa kanilang harapan, nagbabakasakaling mabago ko ang kanilang isipan.
Pero hindi.
Bingi sila sa pakikiusap ko, hindi nila naririnig ang pagsusumamo ko.
“Cherry… Ngayon lang, please. Ngayon lang, sana ay pagbigyan mo kami ng iyong Ama.” Saad ni Mama, at halos mapaluhod na din ito sa harapan ko.
“Bakit ako? Nandyan naman si Natasha? Bakit hindi na lamang siya ang ipakasal niyo?” mapait kong saad.
At gano'n na lamang ang gulat ko sa biglaang paglapit sa akin ni Papa. Mariin niyang hinawakan ang aking balikat at halos kaladkarin na niya ako mula sa aking pagkakaluhod.
“Ang simple-simple lamang ng hinihingi ko sa ‘yo, Cherinah. Bakit hindi mo ako mapagbigyan!” galit na saad nito.
Nagsimula nang lumabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha at tiyak kong iilang segundo lang ay babagsak na ang mga ito sa aking pisnge.
“Isang beses nga, pero sobrang bigat ng hinihiling niya, Pa. Hindi gano'n kadaling gawin ang gusto niyo. Paano ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala at hindi ko man lang alam ang dahilan kung bakit.” Tugon ko.
Iniwas nila ang kanilang tingin sa akin. Kaya mas lalo akong naguguluhan, dahil sa kanilang inaasta.
“Please, Cherry. Ngayon lan—”
“EH BAKIT NGA?! BAKIT KAILANGAN KONG ISAKRIPISYO ANG SARILI KO AT MAGPAKASAL SA KUNG SINO?!”
Lahat sila ay nagulat sa aking pagsigaw. Dahil sa loob namg ilang taon ay ito ang unang beses na sumigaw ako, na sinigawan ko sila.
“A-anak niyo rin naman ako, pero b-bakit pakiramdam ko ay wala kayong pakialam sa a-akin?”
“B-bakit kailangang ako lagi ang magsakripisyo? Bakit hindi si N-Natasha? Bakit laging a-ako?!!!!!” emosyonal kong saad.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko, halos parang winawas*k ang puso ko habang nilalabas ang hinanakit ko sa kanila.
“C-cherr—-”
“NO!!! AYAW KONG GAWIN ANG GUSTO NIY—-”
Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin nang dumampi ang palad ni Papa, sa aking pisnge. Sobrang lakas niyon na halos matuon sa ibang direksyon ang aking tingin.
“WALA KANG UTANG NA LOOB!” sigaw ni papa sa mismong harapan ko.
“Pinalaki ka namin! BINIGYAN NG MAGANDANG BUHAY! PINAKAIN, GINASTUSAN! LAHAT-LAHAT AY BINIGAY NAMIN SA ‘YO, CHERINAH!” sunod-sunod niyang sigaw.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan, para akong naging estatwa bigla dahil hindi ako makagalaw. Maging ang daliri ko ay walang lakas na gumalaw.
Sobra akong nasaktan sa mga sinabi ni Papa. Bawat salitang kumawala sa kanyang bibig at parang isang p*nyal na tumut*sok sa d*bdib ko at madiing nakabaon.
“We give you everything, and because of that. We're facing bankruptcy. We lost all our assets, even the money we saved for years was gone. Baon din tayo sa utang dahil sinusubukan kong iligtas ang negosyo natin, pero wala iyong naging silbe. At ngayon, ngayong nakiki-usap ako sa ‘yo ay hindi mo ako magawang pagbigyan.This is the only way to save our business, and our family, from embarrassment and humiliation, Cherry.” Aniya, at doon ko lamang naunawaan ang lahat.
Gusto nila akong ipakasal kay Nickolas Saldivar, ang mayaman at nag-iisang anak at apo ng pamilya SALDIVAR, upang bayaran ang malaking utang at maiahon muli ang mga negosyo sa pagkakalugmok.
Ayaw kong gawin iyon, pero pakiramdam ko ay wala na akong ibang mapagpipilian. At kahit ilang beses pa akong umayaw at lumuhod sa harapan nila, hinding-hindi na magbabago ang kanilang desisyon.
******
“Do you take Cherinah Vega, as your lawful wife?”
“I do, Father,” Nick responded.
Pagkatapos niya ay sa akin naman humarap ang Pari. “Do you take Nickolas Saldivar, as your lawful husband?” he asked.
Sa mga sandaling iyon ay naging tahimik ang buong paligid, hindi ako kaagad nakasagot na para bang may matigas na bagay na nakabara sa lalamunan ko.
Malalim akong bumuntong-hininga at muling sinalubong ang mga mata ni Nickolas. “I do, Father.”
……
“I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride,” nakangiting saad ng Pari.
Dahan-dahang lumapit sa akin si Nickolas, maingat niyang inangat ang belong tumatakip sa aking mukha. Kasunod niyon ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, at ilang segundo nga lang ay naramdaman ko na ang paglapat ng kanyang labi sa akin.
Hindi iyon nagtagal, parang idinikit niya lang at kaagad na inalis. Hindi ko man lang naramdaman nang maayos ang kanyang labi sa akin.
“CONGRATULATIONS!!!!” malakas na hiyaw ng mga bisita.
Sinubukan kong maging masaya nang araw na iyon. Nakita ko ang pamilya ko, lahat sila ay nakangiti habang nakatingin sa akin.
Walang lungkot, walang gulat o kung ano mang sensitibong emosyon sa kanilang mga mata, bagay na mas lalo Kong ikinalungkot.
They were celebrating something that made me broken.
They were happy about me getting married, like they didn't know that this marriage broke me.
Pero alam niyo kung ano ang mas masahol? Ang makita ang kakaibang tingin ni Nick kay Natasha, sa mismong harapan ko.
And that day, I knew that my life would become a living h*ll.
TO BE CONTINUED….