PROLOGUE
HALIYAH ISABELLE'S POV
Nang sumapit ang hapon ay mas lalo kong naramdaman ang pagod sa katawan ko. Pakiramdam ko ay bawat hakbang ko papunta sa bahay ay may kasamang bigat na hindi ko maipaliwanag.
Masakit ang likod ko. Nanginginig ang mga daliri, at masakit din ang bewang ko. Kaya laking bagay na pinayagan akong mag-leave ng tatlong araw.
Pero kahit nakakapagod man ay ayos lang dahil kahit papaano, nakamit ko na ang simple at malayang buhay... Na noon ko pa ipinagkait sa sarili ko.
Ngunit natigilan ako nang makita ko ang isang sasakyan na nakaparada sa tapat ng aming bahay.
Kulay itim at pamilyar sa aking mga mata.
At bigla ay parang may malamig na kamay na pumisil sa puso ko... Nang aking mapagtanto kung kanino iyon.
Nanigas ang buo kong katawan habang nakatitig doon. Ilang segundo akong hindi nakagalaw, hindi makahinga. Ngunit pinilit kong igalaw ang aking mga paa. Pinilit kong lumapit. Pinilit kong buksan ang gate kahit ramdam ko na ang paparating na bangungot.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, agad ko silang nakita.
Nakatayo ang ama at ina ni Samuel sa gitna ng sala, ang kanilang mga mukha ay puno ng pagmamataas at lamig, na para bang sila pa ang biktima.
Habang si Samuel naman ay nakatayo sa likod nila, ang kanyang mga mata ay nakatutok agad sa akin. Parehong mga matang minsang minahal ko. Parehong mga matang minsang naniwala akong ligtas ako.
Ngunit ngayon… wala na akong naramdaman kundi galit.
At takot.
“Haliyah,” mahina niyang sabi, parang may karapatan pa rin siyang banggitin ang pangalan ko sa gano'ng paraan.
Hindi ako sumagot.
Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang aking ama. Nakatayo siya sa harapan nila, ang kanyang panga ay umigting, at ang kanyang mga kamao ay nakakuyom.
Galit na galit siya.
“Umalis na kayo dito,” malamig niyang sabi.
Ngunit ngumisi lamang ang ama ni Samuel.
“Hindi pa kami tapos,” sagot nito. “May kailangan tayong pag-usapan.”
Nanikip ang dibdib ko, dahil may duda na na ako kung saan patungo ang usapang iyon.
“Nagpunta kami dito para ayusin ang problema,” dagdag ng ina ni Samuel, ang boses niya ay matalim. “Hindi namin hahayaang tuluyan mong sirain ang pamilya ng aming anak."
Pagkarinig ko niyon ay hindi ko napigilang matawa.
Isang tuyong tawa. Walang saya. Walang buhay.
“Seryoso ba kayo?” mahina kong tanong, ngunit ramdam ko ang panginginig sa boses ko. “Kayo at ang anak niyo ang sumira sa akin.”
Naging tahimik si Samuel. Nakatingin lang siya sa akin, at sa mga mata niya ay halatang umaasa pa rin siya.
At t*ngina.. nakakadiri iyong tingnan, nakakapanginig ng laman na hindi ko maintindihan.
“May karapatan kami,” malamig na sabi ng kan'yang ama. “At kung kinakailangan, magsasampa kami ng kaso.”
Naramdaman kong nanigas ang ama ko sa tabi ko.
“Kaso?” ulit ko.
Tumango siya, parang natutuwa sa reaksyon ko.
“Ang lupa ng pamilya ninyo. Ang malaking lupang iyon. Alam mo kung gaano kalaki ang halaga nito at alam ko rin na matagal na iyong sinisingil ng bangko.. at kayang-kaya kong gawan ng paraan para tuluyan iyong mawala sa inyo,” sabi niya, ngumisi pa at hindi nakapag-react ang aking ama.
“At bukod doon ay ang tungkol ginawa ng iyong ama kay Samuel... ang pananakit niya. at maaari naming gamitin iyon laban sa inyo," dugtong nito at nalaglag ang panga ko sa pagkagulat.
Parang may sumabog sa loob ko.
Bigla kong naalala ang gabing iyon.
Ang gabing pilit na pumasok si Samuel sa bahay namin. Ang gabing hindi niya matanggap na wala na ako sa kanya. Ang gabing muntik na niya akong hilahin palabas habang umiiyak ako.. at tinulungan ako ni papa kaya na suntok niya ito.
"My father protected me from you son!" tumaas ang boses ko, at hindi napigilan ang panginginig ng boses.
Ngunit ngumisi lamang ang ina ni Samuel.
“Hindi na kailangang umabot sa korte,” sabi niya. “May paraan pa naman para maayos ito.”
Kahit hindi niya pa sabihin ay alam ko na kung ano ang kasunod niyon, kung ano ang kondisyon. At nang muli siyang nagsalita ay tama nga ako.
“Balikan mo ang anak ko, Haliyah.." sabi niya.
Nanigas ako.
“Bumalik ka kay Samuel. Bumalik ka sa pamilya namin. At kakalimutan namin ang lahat," dugtong niya.
At naghari ang matinding katahimikan sa buong sala.
Tumiim ang bagang ko at muling natawa.
“Nababaliw na ba kayo?” tanong ko, nakatingin sa kanila. “Talagang iniisip ninyo na babalik ako sa kanya?”
Hindi sila nagsalita kaya nagpatuloy ako.
“At ano ang kapalit?” tanong ko.
“Ang kapayapaan ninyo,” biglang bulalas ng kanyang ama. “Ang kaligtasan ng pamilya mo.”
Sa paraan pa lamang ng kanyang pananalita ay dama ko ang kan'yang pambabanta. At bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko ang biglang pagtayo ng aking ama at nagtungo ito sa harapan ko, animo'y pino-protektahan ako.
“Makinig kayong mabuti,” malamig niyang sabi. At eamdam ko ang galit sa boses niya.
“Mas gugustuhin kong makulong kaysa ibalik ang anak ko sa impiyernong buhay na idinulot ng anak niyo sa kan'yang!"
Ramdam ko iyon sa paraan ng pagtitig ni Samuel sa akin.. parang isa akong bagay na ninakaw sa kanya. Parang hindi niya matanggap na wala na siyang kontrol sa akin.
“Haliyah,” sabi niya ulit, mas matigas na ngayon ang boses niya. “Umuwi ka na.”
Napakunot ang noo ko.
"Hindi na iyon ang tahanan ko, Samuel.." mariing sambit ko, at agad na tumigas ang kanyang panga.
“You're my wife,” mariin niyang sabi. “May karapatan ako sa’yo. Kaya isasama kita ngayon at uuwi tayo ng bahay."
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.
Hindi na ako ang babaeng iyon.
Hindi na ako ang babaeng kayang magmakaawa para mahalin niya lang ulit ako.
“Wala ka nang karapatan sa akin,” sagot ko, pilit na pinatatag ang boses ko kahit nanginginig ang loob ko.
Ngunit sa isang iglap, nagbago ang kanyang mukha.
Nawala ang pagpapanggap.
At bumalik ang lalaking kinatatakutan ko.
Bago pa ako makaiwas, bigla niyang hinawakan ang braso ko, at hinila ako papalayo sa aking ama.
“Samuel, bitawan mo ang anak ko!” sigaw ni papa, ngunit parang wala siyang narinig.
“Sumama ka sa akin,” bulong niya, ngunit may pagbabanta sa bawat salita. “Uuwi ka..."
Pinilit kong hilahin ang braso ko mula sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo lang iyong humigpit.
“Bitawan mo ako! Ano ba?!!!" singhal ko at pinaghahampas ang kan'yang balikat.
Nagsimula akong mag-panic.
Hindi..
Hindi na ako babalik sa impyernong iyon.
Pinilit niya akong hilahin palapit sa kanya, at naramdaman kong nawawala ang lakas ko. Bumalik ang lahat ng alaala. Ang sakit. Ang takot.
Nang maramdaman ko na nawawalan na ako ng pag-asa ay bigla kong naramdam ang isang braso na yumakap sa aking bewang.
At sa isang iglap, ay inagaw ako nito mula sa pagkakahawak sa akin ni Samuel, hinila niya ako patungo sa likuran niya. At bumungad sa akin ang malawak at malapad nitong likuran.
Isang matangkad na lalaki, at ang presensya niya ay parang pader na agad akong pinrotektahan mula sa lalaking patuloy na sumisira sa akin.
At bago ko pa maiangat ang aking tingin sa kan'yang mukha ay bigla kong narinig ang kanyang boses.
Malalim.
Malamig.
At puno ng kapangyarihan.
“You have no right... to touch my woman.”
Doon ay nakumpirma ko kung sino ang lalaking nasa aking harapan ngayon.
“Umalis ka sa daan ko!” babala ni Samuel, ata galit ang boses.
Ngunit hindi gumalaw si Azrael, at parang isang bato na sadyang inilagay sa harapan ko upang protektahan ko.
Sa halip, naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang balikat, parang mas lalo siyang naging kalmado.
At mas nakakatakot iyon.
“You should be the one leaving," walang emosyon niyang sambit.
Ang ina ni Samuel ang unang nagsalita.
Mabagal siyang tumayo, ang kanyang mga mata ay puno ng paghamak habang sinusuri ang lalaking nasa harapan ko, at pagkatapos ay inilapat niya sa akin ang kanyang tingin.
“Ngayon ay malinaw na ang lahat” malamig niyang sabi.
Nanikip ang dibdib ko.
“Kaya ka pala umalis,” dagdag niya, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakaangat. “Dahil may iba ka na.”
Parang may matalim na bagay na tumusok sa puso ko.
“A woman like you…” sabat ng ama ni Samuel, “…ay hindi basta-bastang nakakalis na walang tutulong sa kanya,"
Humigpit ang pagkaka-kuyom ng aking kamao, at ramdam kong bumabaon na ang aking mga kuko sa palad ko
Hindi dahil totoo iyon.
Kundi dahil sa kapal ng kanilang mga kasinungalingan.
Hindi ako umalis dahil may iba.
Umalis ako dahil winasak nila ako.
Dahil winasak ako ni Samuel.
Siya ang nagtaksil sa aming dalawa.
Siya ang sumira sa amin.
At ngayon, ako pa ang may kasalanan.
Binuksan ko ang aking bibig upang magsalita.
Para maipagtanggol ang sarili ko.
Ngunit bago pa ako makapagsalita... Ay naunahan ako ni Azrael.
“I know your family’s reputation," kalmado nitong panimula at natahimik ang lahat
“And I can destroy it,” dagdag niya, ang kanyang boses ay halos pabulong, ngunit mas nakakatakot dahil doon, “with just a snap of my fingers.”
Pero nagulat ako nang biglang tumawa ang mga magulang ni Samuel, na para bang isang biro ang sinabi ni Azrael at hindi nila iyon magawang seeyosohin.
“You?” tanong ni Mr Alvarado, puno ng paghamak sa tinig. “Do you even know who we are?”
Malalim na bumuntong-hininga si Azrael, bago dahan-dahang itinaas ang kanyang kamay.
At doon ko napansin na hindi pala siya nag-iisa.
May mga lalaking nakatayo sa likod niya.
Tahimik. Nakasuot ng itim. Hindi gumagalaw.
Isa sa kanila ang agad na lumapit at iniabot ang isang folder sa kanya.
Kinuha niya iyon nang walang pagmamadali. At pagkatapos ay ibinagsak niya iyon sa harapan ni Samuel.
“I already resolved the issue regarding the land,” sabi niya, malamig ang boses. “My lawyers have taken care of everything.”
Walang nagsalita.
“And now it officially belongs to her father," he explained.
Parang tumigil ang mundo. Kitang-kita ko din ang paninigas ng aking ama sa kanyang kinatatayuan.
Pero biglang humalakhak si Samuel. Pero ngayon ay may halo ng tensyon sa kanyang pagtawa.
“That land costs millions,” sabi niya, ang kanyang mga mata ay nanlalaki habang pilit siyang ngumisi. “Do you really expect us to believe that you paid for it?”
Bahagya siyang humakbang papalapit kay Azrael, at ni isang segundo ay hindi ito kumurap.
“Other than our family,” dagdag niya, puno ng pagmamataas, “no one has that kind of money.”
Bumagsak ang balikat ni Azrael, yumuko siya sa sahig at napapailing.
“I could buy this entire town,” sabi niya, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin kay Samuel na ngayon ay hindi nakapagsalita.
Then, Azrael, let out that annoying and mocking laughed.
“And I would still have more than enough money left,” dagdag niya, bahagyang ikiling ang ulo, ang kanyang boses ay naging mas mababa.. “without even touching what’s in my bank.”
Parang nawala ang lahat ng lakas sa kanilang mga katawan. Ang kayabangan, at ang kanilang pananakot. Lahat ng iyon ay naglaho dahil sa mga sinabi ni Azrael.
“Listen carefully," aniya at mas lalong mapanganib ang tinig.
At ang kanyang mga mata ay nakatutok kay Samuel. At sa mga magulang nito.
“If you ever touch her again,” sabi niya, mabagal, malinaw ang bawat salita, “if you or your family cross the line for the second... f*cking time…”
Huminto siya.
At kahit ako ay napalunok.
Dahil ramdam kong hindi lang iyon Isang simpleng pagbabanta.
“You won’t like what I’ll do to you." Dugtong niya, at pagkatapos ay bigla siyang umikot, paharap sa akin.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko nang abutin niya bigla ang aking papulsuhan.
"Azrae--"
"Let's have a vacation together, Haliyah.." marahan, at nakangisi nitong sambit.
At bago pa man ako makasagot ay humakbang siya, at agad akong hinila palabas ng bahay.
Nagpatianod ako sa kanya kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
TO BE CONTINUED