HALIYAH ISABELLE’S POV
Madaling araw na at madolim pa ang kalangitan nang lumabas ako sa bar.
Sobrang tahimik ng paligid, ngunit ang katahimikan na iyon ay hindi nakakapagbigay ng kapayapaan sa isipan ko. Ang katahimikan kasing ito ay isa sa mga bagay na nagpapaalala kung gaanona kalungkotbang buhay ko.
Mahigpit kong hinila ang manipis kong jacket upang takpan ang suot kong uniporme... isang simpleng itim na bestida na hanggang hita, at isang pares ng sapatos na matagal nang sumuko sa sobrang pagod sa araw-araw na paglalakad.
Masakit ang mga paa ko.
Masakit ang likod ko.
Masakit ang buong katawan ko.
Ngunit mas masakit ang pakiramdam na wala akong ibang mapuntahan kundi ang lugar na hindi ko na matatawag na tahanan.
Humakbang ako sa madilim na kalsada, ang tunog ng aking mga takong ang tanging kasama ko.
Hanggang sa muling umingay ang mga bulungan sa paligid ko.
Nagbubulungan nga sila, pero parang hindi.. at sinasadya talaga nilang lakasan ang boses nila para marinig ko.
“Siya na naman…”
“Umaga na naman umuwi.”
“Sa bar daw nagtatrabaho.”
“Alam mo na kung anong klaseng trabaho ang meron siya?"
"Oo nakikita kasi siya ng pamangkin ko sa nasabing bar... at halos lantad na lantad daw ang katawan n'yan.."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag.
Pinilit kong huwag lumingon.
Pinilit kong huwag pansinin.
Ngunit ang bawat salita nila ay parang mga karayom na dahan-dahang tumutusok sa balat ko.
“Sayang…”
“May asawa pa naman…”
“Pero gabi-gabi wala sa bahay.”
"Hindi na din nakakapagtaka kung isang araw ay iwanan ng Asawa. Wala din namang silbe, walang anak kaya bakit hindi hihiwalayan?"
Rinig na rinig ko iyon, at mas lalong kumirot ang dibdib ko nang marinig ko ang kanilang tawanan.
Ito ang reyalidad ng buhay. Porket sa bar ka nagta-trabaho ay maruminka na. Mas madami talagang tao na makikitid ang utak, at huhusgahan na kaagad.
Ni wala silang alam kung ano ang pinagdaanan ko.
Hindi nila alam na wala akong ibang ginagawa doon kundi ang magdala ng tray. Maghatid ng alak. Mag-abot ng sigarilyo.
Hindi ko ibinebenta ang katawan ko, ngunit sa mga mata nila ay...
Madumi na ako
.
Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
Sanay naman na akong marinig iyon, ngunit mag pagkakataon talaga na hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso.
Kailangan ko nang masanay.
Dahil wala nang ibang gagawa nito para sa akin... kundi ako lang, ako lang ang makakatulong sa sarili ko.
Pagdating ko sa tapat ng bahay, ay nakita kong nakabukas na ang ilaw sa sala. At kapag gano'n ay alam kong gising na so Samuel.
Tahimik kong binuksan ang pinto.
At naroon nga siya.
Nakaupo sa sofa.
Ang kanyang mga siko ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, at ang kanyang mga kamay ay magkahawak. Nakayuko siya, ngunit agad niyang itinaas ang kanyang ulo nang marinig ang pagpasok ko.
At doon ko nakita ang kanyang mga mata.
Ibang-iba na ito sa paraan kung paano niya akong tinitingnan noon. Hindi na iyon ang mga mata ng lalaking minahal ako at minahal ko.
Malamig na ito at bukod sa galit ay wala na akong nakikitang ibang ekspresyon.
“Umuwi ka na pala,” sabi niya.
Hindi iyon tanong.
Hindi iyon pag-aalala.
Isa lamang iyong obserbasyon.
Tahimik akong tumango at dumaan sa kan'yang harapan..
Ngunit bago pa ako makalampas, ay bigla siyang nagsalita.
“Alam mo ba kung anong oras na?” tanong niya, sinusundan ako.
Alam niya kung anong oras akomg umuuwi galing sa trabaho kaya hindi na niya dapat iyon itanong sa akin.
“Alam mong may trabaho ako,” mahina kong sagot.
At bigla itong tumawa ng mapakla.
“Trabaho....." mariing aniya.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit may kung anong bumigat sa salitang iyon nang manggaling sa kanya. Para bang pinagbibintangan niya ako.
“Anong klaseng trabaho ang natatapos sa ganitong oras?” dagdag niya. "Sigurado ka bang trabaho lang ang ginagawa mo.... Isabelle?"
Napahinto ako.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya.
“Alam mo kung anong trabaho meron ako.. at hindi ito ang kauna-unahang beses na umuwi ako nang ganitong oras, Samuel.." sagot ko sa kanya, at hindi na napigilan ang bahagyang pagtaas ng aking boses.
Matagal siyang hindi nagsalita.
Nakatingin lamang siya sa akin.
Animo'y sinusuri ang kabuuan ko at hinahanapan ako ng kasalanan upang may maibato siya sa akin.
“Maraming lalaki doon,” sa wakas ay sinabi niya rin.
Hindi iyon tanong... kundi isang akusasyon.
Hindi ako sumagot.
Dahil alam ko... na kahit anong sabihin ko, ay hindi na niyon mababago ang isipan niya.
Maya-maya pa ay nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin. At sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, naramdaman kong naninikip ang dibdib ko.
Hanggang sa huminto siya sa harapan ko.
“Pinagtitinginan ka ba nila?” tanong niya.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit may kung anong nabasag sa loob ko.
Hindi dahil sa tanong niya.
Kundi dahil sa paraan ng pagtatanong niya sa akin, sa paraan ng pagkakasabi niya. Iniisip niya na isa akong bagay na maaaring angkinin ng iba.
“At kung oo?” mahina kong tanong, nilalabanan ang kanyang titigm
Umigting ang kanyang panga ay mas lalong nandilim ang ekspresyon sa kanyang mga mata.
Nang hindi siya sumagot at tumalikod ako at naglakad papunta sa kwarto.
Ngunit bago ko maisara ang pinto ay narinig ko ang kanyang boses.
“Hindi mo na kailangang magtrabaho... you stay here, in this house and I'll take care of everything..." aniya at hindi nagtagal ay narinig ko ang kanyang mga yabag papalayo.
Dahan-dahan kong isinara ang pinto.
At nang tuluyan akong naiwang mag-isa, ay doon ko lang hinayaang bumagsak ang aking mga balikat.
Doon ko lang hinayaang maramdaman ang pagod.
Pero mas nakakapagod ang manatili sa bahay na ito, kesa sa araw-araw na pagpunta sa trabaho at araw-araw na pagsuot ng sapatos na masakit sa paa.
~~~~~~
KINABUKASAN... maaga akong nagising ay nagsimulang maglinis ng bahay. At gaya ng sinabi ni Samuel ay hindi na ako bumalik sa trabaho at nanatili na lamang sa bahay.
Ilang beses ko ding inulit-ulit sa isipan ko iyong mga sinabi niya.. at hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ito habang nakatayo ako sa harap ng salamin.
Ang repleksyon ko salamin ay pagod na pagod din. Maputla ang balat, manipis ang mga labi, at ang mga mata ko… wala na roon ang liwanag.
Pagkagising ko kanina ay wala ma rin sk Samuel sa tabi ko. Maaga siyang umalis papunta sa opisina.
Isa siyang matalinong lalaki... iyon ang lagi nilang sinasabi. May magandang trabaho siya sa isang kilalang kumpanya, at dahil na rin sa koneksyon ng kanyang pamilya, mabilis siyang umangat.
Dati, ipinagmamalaki ko iyon.
Pero ngayon…ay hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglinis.
Isa-isa kong inayos ang sala. Pinunasan ang mga mesa. Inayos ang mga unan. Tinupi ang mga damit na naiwan kung saan-saan.
Tahimik ang bahay.
Parang hindi ito ang parehong bahay kung saan minsan kaming nagtawanan.
Kung saan minsan niya akong niyakap sa kusina habang nagluluto ako.
Napapikit ako sandali.
Pinilit kong alisin ang mga alaalang iyon. At nagpatuloy ako sa paglilinis.
Binuksan ko ang isang lumang drawer sa gilid ng cabinet. Puno ito ng kung anu-anong bagay... mga resibo, lumang papel, mga gamit na matagal nang hindi napapansin.
Isa-isa ko iyong kinuha at itinapon ang mga hindi na kailangan.
Hanggang sa may isang maliit na papel ang nahulog sa sahig.
Napahinto ako.
Dahan-dahan ko iyong pinulot.
Isa iyong resibo.
Ngunit nang ibaba ko ang tingin ko sa nakasulat doon, natigilan ako.
Women’s sweatshirt.
Women's Perfume.
At sa itaas ng resibo.. ay nakalagay ang logo ng isang sikat at kilalang shop. Lagi ko iyong nakikita sa mga posters at ads sa mga social media platforms..
Isa sa mga tindahang hindi ko man lang magawang pasukin noon, dahil alam kong hindi ko kayang bumili kahit ang pinakamurang bagay doon.
Napakurap ako.
Tiningnan ko ulit ang resibo, parang baka mali lang ang pagkakabasa ko.
Ngunit hindi ang nakalagay doon na pang-babaeng gamit ito.
Hindi ko namalayang napahawak ako sa aking dibdib.
May kung anong maliit na init ang unti-unting kumalat doon.
Nakaramdam ako ng pag-asa..
Para sa akin ba ito?
Siguro gusto niyang ayusin ang lahat.
Siguro nahirapan lang siya.
Siguro nasaktan lang siya.
Siguro.
Siguro mahal niya pa rin ako talaga ako..
Habang iniisip ko iyon ay hindi ko namalayang nakangita na pala ako.
Isang mahina, at marupok na ngiti.
Matagal na simula nang huli akong ngumiti nang ganito.
Mahigpit kong hinawakan ang resibo, parang isa iyong bagay na maaaring mawala anumang oras.
Napatingin ako sa paligid ng bahay.
Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi na iyon mukhang kulungan.
Mukha na ulit iyong tahanan.
At sa loob ng puso ko, tahimik akong umaasa... ba baka, hindi pa huli ang lahat.
At baka maayos pa ang relasyon naming dalawa.
TO BE CONTINUED....