JAHAIZAH'S POINT OF VIEW “Ang sarap mo talaga magluto, subukan mo kayang maging chef sa restaurant ko?” nakangiting sambit ni Zennah, muli itong kumuha nang isang hiwa ng karne at inilagay iyon sa kanyang bibig. Hindi ko napigilang matawa sa sunod-sunod niyang pagtango, nakapikit pa ang kanyang mga mata. Natawa ako. “Tigilan mo ‘ko sa pambobola mo, kumain ka na lang nang maayos,” asik ko sa kanya, bahagyang tinampal ang balikat niya para patigilin siya. Nagluluto kasi ako para sa dinner, ngayon kasi ang dating ni Adrian at gusto kong may makain siya pagdating niya. “Swerte ng asawa mo sa ‘yo, maganda ka, magaling magluto, faithful at sexy pa,” puri niya. Napamaang ako at bahagya siyang sinamaan ng tingin. Bumaling ako sa kabilang stove, nang makita kong luto na ay in-off ko n

