"MAMA, bili niyo po ba ako ng bagong toys?" Napatigil si Brielle sa pagsuklay sa buhok ng anak ng marinig niya ang sinabi nito sa kanya. "Why? Gusto mo ba ng bagong toys?" masuyo namang tanong ni Brielle sa anak. Tumango naman ito bilang sagot. "Yes po, Mama. Gusto ko po ng ganito," wika nito sabay taas ng kamay nito at nang tingnan niya iyon ay nakita niya na itinaas nito ang dalawang daliri. "Okay, I'll buy you," wika niya dito. "Yeheey!" masayang bulalas naman ni Brianna, itinaas-taas pa nito ang dalawang kamay sa ere. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa sandaling iyon habang nakikita niya na masaya ang anak. Iba talaga ang pakiramdam kapag nakikita niya ang anak na masaya. Kaya kung maaari, kung ano ang gusto nito ay gusto niyang bilhin para

