DAHAN-dahan na nagmulat ng mga mata si Brielle nang magising siya kinaumagahan. At ang unang tumambad sa mata niya ay matitipunong dibdib ni Apollo. Hindi naman niya napigilan ang mapakagat ng ibabang labi sa sandaling iyon, lalo na noong makita niya ang posisyon nilang dalawa Nakayakap siya dito habang nakaunan siya sa braso nito. Saglit naman siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin patungo sa mukha nito. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya na gising na pala si Apollo. Nakita kasi niya na nakamulat na ang mga mata nito. Hindi naman niya alam kung kanina pa ba ito gising o hindi. "Gising ka na pala," wika naman nito mayamaya. Sunod-sunod naman ang ginawa niyang paglunok. "K-kagigising ko lang," sagot nama

