NANG pumasok si Brielle sa loob ng kwarto ay nakita niya si Apollo na nakahiga sa kama. Ang isang kamay naman nito ay nakaunan sa ulo nito. Nakapikit ito pero alam naman niyang hindi pa ito tulog, maaga pa naman kasi. Alas siyete pa lang ng gabi. Tuluyan naman ng pumasok si Brielle sa kwarto na tinutuluyan nilang dalawa. Lumapit siya sa dala niyang bag at kumuha siya ng damit niya. Naisipan kasi niyang maligo sa sandaling iyon. Nang makuha niya ang kailangan niya ay humakbang na siya patungo sa loob ng banyo. Isinara niya ang pinto pero hindi naman niya iyon ini-lock. Hindi naman siguro papasok si Apollo sa loob ng banyo dahil sigurado siyang alam nito na okupado iyon. Isinabit naman niya ang hawak na damit. Pagkatapos ay tinanggal niya ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Nang ma

