HALOS sampung minutong naghintay sa loob ng cubicle itong si Summer, akmang aakyatin na lang sana niya ito ng marinig niya ang boses ng kaibigan. "Sum-sum? Nandito ka ba? Nasaan ka?" Sambit nitong si Mau na kinakatok ang lahat ng pintuan. "Ano ba Miss!" Rinig niyang pagalit ang bosessa kabilang cubicle. "Ahm-sorry po! Pasensya na po." Saad nitong si Mau sa lumabas na babaeng nakakunot noo sa kaniya. "Mau!" Biglang salita naman ni Summer. "Nasaan ka ba? Lumabas ka na diyan?" Pasigaw nitong tanong kay Summer habang hinahanap ang pinag-gagalingan nitong boses. "Oy, nasaan ka ba?" "Nasa dulo ako." Tugon naman nitong si Summer na agad namang pinuntahan nitong si Mau at kinatok. "Oy ano bang ginagawa mo diyan? Bakit di ka na lumabas? Isang dosena ba ng galon iyang ihi mo?" May

