NAPASALAMPAK sa pagkakaupo sa matigas na upuan itong si Summer kaharap ang nagtatakang mukha ng kapatid ni Mau na si Miguel. Palipat-lipat ito ng tingin sa magkaibigang sabay na napaupo, habang si Mau ay napahilamos na nga lang sabay buntong hiningang napatingin sa paligid. "Oh, anong itsura yan? Gaano ba kadami ang nagbanyo? Mukhang nasabugan ka yata ng pantog?' Mapang-asar na tanong pa nitong si Miguel kay Summer. "Eh kung pantog mo ngayon pasabugin ko." Basag nitong si Summer na napairap dito, agad namang napangisi itong si Miguel. "Ano bang nangyari diyan Mau?" "Hay nako kuya, kumain na lang siguro muna tayo. Bago ako maubos dito sa kahihiyan." Sagot ni Mau na napapailing habang napapakamot at ngisi na lamang sa ginawa nitong si Summer kanina. "Wala pa bang balita sa pagkain?" Da

