NAPAKAMOT at napangisi na lamang na napatingin si Lincoln sa kaibigang si Miguel ng hindi nito pansinin ni Summer ang kamay na iniabot nito. Napasenyas naman itong si Miguel na maupo na lamang ito sa tabi niya na agaran namang sinunod. Samantala, si Mau naman ang takot na maitapon nitong si Summer ang bitbit bitbit nitong tray, talagang ipinlit ang sariling makuha ito at siya na ang maglapag sa mesa. "Bes di ka naman gutom nuh?' Natatawang tanong ni Mau samantalang napapailing sa ngisi si Miguel, habang itong si Lincoln ay titig na titig kay Summer na nuon ay walang pakialam sa paligid kundi tanging nasa pagkain lamang ang buong atensyon. Mabilis itong umupo sa tabi ni Mau sabay ngisi dito. "Pwede naman na sigurong kumain nu? Kaytagal tagal nating hinintay ito aba." Mabilis na sagot n

