HALOS magkanda dapa dapa itong si Forrest sa pagmamadaling makapasok sa loon ng condo unit nitong si Alex, ni ang magtanggal ng tsinelas ay nakalimutan pa nito. "Alex! Alex! Alex!" Pagtataas ng boses niya habang papasok. "Alex! Gising! Alex gising. S-Si Mau-Si Mau at Summer. Nandito, nakita ko. Nakita ko sila papasok sa elevator. Alex nakikinig ka ba? Gising Alex!" Pagyuyuyog-yog nito sa katawan nitong si Alex na nuon ay tuluyan ng napabalikwas ng bangon. "Ano bang problema mo?" "Bro-Si Summer at Mau. I saw them. Nandito sila sa condo na ito. Nakita ko sila kanina nag-uusap papunta sa elevator." Tugon nitong si Forrest sa mabilis na pananalita, habang si Alex ay napailing na lang na tila ba nawala ang buong antok niya sa sobrang kaingayan ng kaibigan niya. Kung di niya lang kina

