HABANG nasa waiting area si Mau at Summer hindi naman maalis sa isip ni Summer ang matandang iyon sa gaan ng loob na naramdaman niya duon kanina. Isa pa, parang may kung anu ding bumabagabag sa isipan niya sa pangalang narinig niya. Hindi niya matandaan kung saan man o kailan niya narinig ang pangalang Serene basta ang alam niya pamilyar at narinig niya na din ito. Napaigtad naman siya ng bigla siyang tapikin ni Mau sa braso. "Hoy, nakikinig ka ba sa akin? Matutuyuan na ako ng laway di ka pa din sumasagot." "Ah-huh? A-ano ba iyon?" "Hay nako, sabi ko na nga ba. Di bale na nga, mabuti pa dito ka na lang muna. Abangan mo si kuya na lumabas dun tas tawagin mo." "Teka, at san ka naman pupunta? Iiwan mo ko?" Parang batang tanong nitong si Summer na napanguso po. Agad namang tinap nitong s

