BAGSAK ang balikat ng dalawa na bumalik sa kwarto ng matanda, ni anino o bulto nila Summer at Mau ay hindi man lang nila nakita. Napabuntong si Alex pagkapasok ng kwarto, naroon pa din ang matanda nakaupo at nakatingin sa malayo. Napangiti siyang kinuha ang bulaklak sa nurse saka ito nilapitan at nagmano. "Lola! Ma-maganda araw po." Bati nitong si Alex sa matanda na napaangat ng tingin sa kaniya saka siya kinunutan ng noo. "Sino ka ba?" Kunot noong tanong nito sa masungit na boses, bigla namang napangiti itong si Alex. Wala pa ding nagbago sa lola ni Serene, maalala man siya o hindi masungit pa din. "Si Alex ho, ang-ang asawa po ng apo niyo." "Apo ko? Asawa ka? Sandali, kailan pa ikinasal ang apo ko? Eh kakadebut pa lang noon?" "Lola--" "Eh oo nga no kakakasal niyo lang. Siya n

