SA tagal ng panahon ngayon niya lang natuklasan ang totoong pagkatao niya, kaya pala sa araw-araw na gumigising siya pakiramdam niya may kulang sa pagkatao niya, pakiramdam niya may mga kulang sa buhay niya na hindi niya malaman kung ano iyon, pakiramdam niya may mga nakalimutan siyang bagay na hindi niya maalala, maraming pakiramdam na hindi niya binigyan ng pansin. Parang sasabog ang puso niya sa sama ng loob. Hindi siya galit sa lola niya kundi nalaman niya ang buong katotohanan sa pagkatao niya ng hindi man lang niya naibabalik ang lahat ng sakripisyong nagawa nito para sa kaniya. Hindi man lang niya napasalamatan ang kaisa-isang taong nagbigay ng pangalawang buhay sa kaniya, ang nagligtas sa kaniya sa kamatayang iyon. Hindi niya man maalala ang mga pangyayaring iyon mas lalo niyang

