NAPAPIKIT muna si Summer bago niya simulang basahin ang mga sumunod na pahina, kinakabahan siya sa haba ng sulat sa bawat araw. Pero sa huli mas pinili pa din niyang buksan ang isipan at puso na ipagpatuloy ang pagbabasa nito hanggang sa kahuli-hulihang pahina anuman ang mangyari. 1995, December 3 Sa araw na ito minabuti naming makabalik ng Maynila bago pa man kami maabutan ng malakas na hagupit daw ng bagyo at sa awa ng Diyos pinagbigyan muna kaming makabalik sa Maynila bago ang ilang oras nitong paglandfall. Hindi naman ganun kalakas ang bagyo ngunit dahil sa lakas ng ulan at walang pagtila nito naapektuhan ang buong Luzon, nagkaroon ng malawakang pagbaha sa kalakihang Luzon. Dahil sa hindi inaakalang pangyayari, maraming mga bahay ang inabot ng tubig, maraming nawalan

