PASADO ala-una na ngunit heto at nasa may gilid pa din ng bintana si Summer nakatingin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangangitan at magpahanggang ngayon kaharap niya pa rin ang kahon na kanina niya pa pinag-iisipang buksan. Naguguluhan ang sarili siya sa sarili niya kung bakit hindi niya magawang buksan ang kahon na iyon at mabasa ang nilalaman ng diary ni Lola. Hindi niya din matumbok kung bakit humingi sa kaniya ang kaniyang Lola ng tawad. Hindi niya rin maintindihan kung bakit sa paningin niya lahat ng mga gamit na nasa loob ng kahon na iyon ay tila ba nakita niya na sa hindi niya maaalalang panahon kung kelan, saan. Pangalawang pagtatangkang niya ng buksan ang kahon at sa t'wing ginagawa niya eto nauuwi lang sa wala, sa pagsakit ng ulo niya kapag pinipili

