“Damn it!” sigaw ni Irene. Ilang beses na niyang pilit tinatawagan si Alvin pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang nanlamig ang nobyo sa kanya. Sa ilang taon nilang magkasintahan ay ilang beses na din naman silang nagkakaroon ng hindi magkakaunawaan pero ang lalaki ang parating sumusuyo sa kanya. Pero ngayon ay hindi man lang niya maramdaman kung may nobyo pa ba siya o wala na. Naiinis siya dahil lahat ng tawag, chat, at kahit email ay hindi man lang sinasagot ng binata. Sa inis niya ay naihagis na naman niya ang kanyang cellphone. “Do I need to buy a new one?” tanong ng kanyang personal assistant. Napatingin siya sa kanyang manager at napabuntong hininga na lang siya. “Ikuha mo nga ako ng wine,” utos niya. Magkasalubong ang mga

