Mabigat ang loob ni Alvin habang tahimik siyang nagmamaneho patungo sa kanyang opisina. Halata sa mukha niya ang pagod kahit pa kumpleto naman ang kanyang tulog. Ang daming hindi tama sa buhay niya. Pakiramdam niya, kahit isa ay wala siyang nagawang tama. Pakiramdam niya, sobrang sama niyang tao. O sadyang masamang tao nga siguro siya. Mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Pagod na siya isipin lahat ng kamalian niya pero gustop niyang itama ang lahat. Gusto niyang magsimula muli. Gusto niyang baguhin ang sarili. Napaka-stressful din ang huling pag-uusap nila ni Irene. Muntik pa silang magkasakitan pero alam niyang kasalanan niya ang lahat. Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Mula nang makita niya muli si Jessica ay para siyang sinampal ng katotohanan na masamang tao siya

