"Any place in mind?" tanong ni Carl sa kanya. Umiling siya. Wala naman kasi talaga siyang naiisip na lugar kung saan ay hindi siya matatagpuan ni Alvin. Pakiramdam niya maliit na ang Pilipinas sa kanilang dalawa. Dumagdag pa sa saloobin niya ay nadamay niya si Carl sa kanyang problema. "Maybe I can go to Bacolod? O kaya naman sa Sulu. Mas malayo na iyon kay Alvin. Siguro naman hindi na niya ako masusundan sa Sulu knowing maraming sabi-sabi tungkol sa lugar na iyon," sabi niya. Mabilis na umiling naman si Carl sa kanya. "Huwag doon. Gusto mo sa Aurora muna tayo? I have house there eh. Doon muna tayo for the mean time." Hindi na siya nakipaglaban pa, dala na din ng pagod at gusto na lang niya magpahinga. "Jessica. Jessica Wake up." Dahan-dahan siyang dumilat at bumungad sa kanya ang mu

