Hingang malalim. Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Alvin sa kanyang sarili. Malamig ang klima sa Baguio at mas lalo pa itong nakakadagdag sa panlalamig na kanyang nararamdam. Malakas at mabilis ang kabog ng kanyang puso. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Hindi siya mapakali. Kanina pa nanginginig ang kanyang binti at hindi niya kayang tumayo mula sa kinauupuan niya. Nasa isa siyang coffee shop na nasa tapat lang ng condominium kung saan tumutuloy ngayon si Jessica.
Sa totoo lang, dalawang araw na siyang nasa Baguio pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan kung nasaan ang dating asawa. Madami siyang gustong sabihin pero hindi niya alam papaano sisimulan. Si Irene naman ay walang tigil sa kakatawag sa kanya kaya sa inis niya ay pinatay na niya ang kanyang cellphone. Gusto niyang mag-focus sa sitwasyon ngayon.
It’s now or never. Tumayo na siya at inayos ang trench coat na suot. Pormadong-pormado siya ngayon at gusto niya maayops ang histura niya kapag nakita siya ni Jessica. He even shaved his facial hair para lumabas ang kapogian niya. Mabagal at mabigat ang mga hakbang na ginagawa niya papasok sa building ng condo kung nasaan ang dati niyang asawa. Pakiramdam niya napakahaba ng lalakarin niya. Yes, he’s having cold feet. Gusto niyang umatras at bumalik na lang sa hotel kung saan siya tumutuloy ngayon. Pero naisip niya, hanggang kailan siya magiging ganito? Sa paghingi ba ng tawad ay magiging duwag siya? Naisip niya na ang tapang niya noon kapag nasasaktan si Jessica. The guilt is eating me.
Nasa tapat na siya ng unit kung nasaan si Jessica. Ilang beses niya pang tiningnan ang address sa kanyang email kung tama ba ang napuntahan niya. Ilang malalim na hininga ang ginawa niya bago tuluyang pinindot ang doorbell. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at nasilayan niya ang kanyang dating asawa, Halatang bagong gising ito at mula sa loob ay naamoy pa niya ang bango ng kape.
Kitang-kita niya ang reaksyon ni Jessica. Nanlalaki ang mga mata nito, gulat na gulat na makita siya. Mabilis nitong isinara ang pinto pero mabilis niya din itong naharang at napigilan.
“Jessica, mag-usap tayo,” sabi niya.
“Lumayo ka! Umalis ka!” sigaw ni Jessica. Pilit nitong isinasara ang pinto. Hindi siya nagpatalo, ayaw na niyang sayangin ang pagkakataong ito. Patuloy niyang pinipigilan ang pagsara ng pinto.
“Jessica, listen to me!” sigaw na niya. Nakita niya ang pag-iling ni Jessica, sensyales na ayaw nitong makinig sa kanya. Hindi niya masisisi ang babae. Sa laki ba naman ng kasalanan niya ay hindi na kataka-taka na ganito ang mangyayari. Dahil nga malakas ang pwersa niya ay tuluyan niyang nabuksan ang pinto.
“Jessica, please mag-usap tayo.” Hindi na siya nag-atubiling pumasok ng pinto. Nasa Foyer siya nang biglang sumigaw si Jessica. Nakayuko na ito at ang mga braso ay nakaharang sa mukha nito. Nagtaka siya bakit ganito ang reaksyon ng dating asawa.
“Tama na please. Alvin tama na.”
“Tama na please. Alvin tama na.” Ang pakiusap ni Jessica sa kanya ngunit bingi siya. Patuloy niyang hinahampas ng sinturon ang kaawa-awang babae. “Hindi ba sinabi ko sa’yo na ‘wag mo akong papakialaman? ‘Wag kang magtatanong kung saan ako pupunta! Kung ano ang ginagawa ko! Asawa lang kita sa papel!”
Hindi siya makahinga nang maalala ang tagpong iyon. Nanlalamig ang mga kamay niya at sa totoo lang ay gusto na niyang saktan ang sarili. How can he be so cruel? Matapos ang ilang taon ay nandoon pa din ang epekto nang mga ginawa niya kay Jessica. Kita niya na mapaghanggang sa ngayon, takot ang nararamdaman ni Jessica.
“Jessica, I’m sorry—”
“Hindi na ako magtatanong. Hindi na kita papakialaman.”
“Jessica—” hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang maramdaman niyang may humatak sa kanya mula sa likod at sunod na lang niya naramdaman ang matigas na kamao sa kanyang mukha. Sa lakas ng suntok ay natumba pa siya. Ramdam niya ang hapdi sa may labi niya.
“Out! Who are you!” sigaw ng lalaki. Umaapoy sa galit ang mga mata ng lalaki.
“Pare, I don’t know who you are pero hindi ako nandito para makipag-away. I just want to talk to my wife,” sabi niya.
“Anong wife? Problema mo sa girlfriend ko ha? Layuan mo girlfriend ko. Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guwardiya or worst papapulis na kita. Trespassing ang ginagawa mo!”
Dito na siya parang nabuhusan ng malamig na tubig. Anong girlfriend? No, hindi puwede.
“Asawa ko iyan. Asawa ko si Jessica,” sabi niya. Umismid lang ang lalaki sa kanya.
“Hindi ba’t hiwalay na kayo? Ano ngayon ang hinahabol mo sa kanya?”
“Hindi pa kami hiwalay. Sa mata ng batas, we are legally married.” Tumayo na siya at pinunasan ang dugo mula sa gilid ng labi niya. “Babalik ako. Babawiin ko ang asawa ko sa’yo. I don’t know who you are, pero hindi mo din ako kilala. You don’t know kung ano ang kaya kong gawin.” Tumalikod na siya at tuloy-tuloy na umalis.
Totoo iyon. Legally married pa rin sila ni Jessica. The annulment papers back then, hindi niya sinubmit sa korte. Hindi niya pinirmahan. All these years, kasal pa din sila ni Jessica.
***
“Jessica, are you okay?” tanong ni Carl sa babae. Nakayuko lamang ang babae at patuloy na umiiyak.
“Tama na Alvin.” Iyan ang paulit-ulit na sinasabi ni Jessica. Nadudurog ang puso niya nang makitang ganito ang kanyang assistant. Tama lang talaga na pumunta siya ngayong araw. Mamayang hapon pa ang kanyang appointment pero nang magising siya ay mabigat ang pakiramdam niya. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay si Jessica. Mabuti na lang at pumunta siya dahil baka kung ano na ang nagawa ng lalaking iyon sa kanyang assistant.
“Jessica, si Carl ‘to. Look at me.” Tinanggal niya ang mga braso nitong nakaharangs a mukha at hinawakan ang mga pisngi nito. Basang-basa ng luha ang mukha nito, na siyang dumudurog sa puso niya. Hindi siya sanay makitang ganito ang babae. “Wala na siya. Hindi na siya makakalapit pa sa’yo. I’ll make sure of that.”