Chapter Eighteen

1113 Words
ALVIN HILDAGO’S POINT OF VIEW “Magkukulong ka na lang ba diyan habang buhay, kuya?” tanong ni Abby sa akin. “Just go away, Abby. Leave me alone,” sagot ko sa kanya. Sadyang makulit ang kapatid ko dahil hindi niya tinigilan ang pinto ko sa mga katok niya at dahil natotorete na ako, wala akong choice kung hindi ang pagbuksan na siya. “Eww! You stink! You’re a mess! Ang haba na ng balbas mo! Papaano maiinlove ulit sa’yo si Jessica niyan?” sunod-sunod na sabi ni Abby. I look at my mirror na nasa left side ng room ko and I saw how horrible I was. Magulo ang buhok at mahaba na ang aking balbas. Mukha akong ermitanyo sa hotsura ko. I was so sad dahil sa mga nalaman ko about sa anak ko na I have no will to live. Ganito din ba ang naramdaman ni Jessica? Siguro higit pa dito. Ako na hindi ko man lang nakita at nakasama ang anak ko ay nagkakaganito na ako nang malaman kong wala na siya. Papaano pa kaya si Jessica? Na siyang nagluwal sa anak namin. “Do you have information kung nasaan na siya?” tanong ko. “Felix said nasa Baguio siya.” Napatigil ako. “What do you mean? All this time nasa Baguio lang siya?” Tumango si Abby. “And napag-alaman ni Felix na nagwo-work siya under ng isang model. Ano nga ba name ng model na iyon? Wait.” Abby fished out her phone from her purse and browse to it. “Ah! Here he is! Carl Jimenez!” Pinakita niya sa akin ang picture ng isang lalaki. Nagmodel ito ng isang kilalang clothing line. “She work for him? Anong trabaho?” tanong ko. “Umm… PA. Assistant in short.” “Send me her address.” Mabilis akong kumuha ng gamit para maligo. Kailangan kong makita si Jessica. I want to talk to her. Gusto kong humingi ng tawad. This is my only chance! “I already sent it to you sa email mo. Hindi ka nagche-check ng emails mo!” “Tell Felix I will transfer the funds and papayagan na kitang magpakasal sa kanya.” “Yes!” Sigaw niya at saka lumabas ng kuwarto ko. I don’t want to waste this chance. I want to get things right for Jessica. Malaki ang kasalanan ko, ang mga pagkukulang ko. I want to start with her again. *** “Where are you going, Alvin? Tambak na ang trabaho mo.” Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan nang makita ko si Mommy sa ibaba, nakapamaywang pa. Matalas ang mga tingin ibinabato niya sa akin. “Sa Bagiuo,” I simply answered. “Baguio? Nalulunod na ang secretary mo sa mga iniwan mong trabaho. I even covered some of it. Alvin, matanda na ako. Nagpapahinga na dapat ako eh.” “Mom, ibigay mo kay Abby or sa ibang empleyado. I have important things to do.” “Anong important things? Ano? You will go abroad at makikipaglandian sa Irene na iyon?” Napailing na lang ako. Mom doesn’t like Irene ever since they met. I don’t know why. “No Mom. Hindi ako pupunta ng abroad. I’m going to Bagiuo. Jessica is there.” Hindi na umimik pa si Mommy. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya. “Alvin. Bring her home please. I miss her.” Ngumiti ako at tuluyang bumaba ng hagdan I hug my mom and whispered “I will.” Hindi ko alam kung papaano ko aamuin si Jessica, but I will do everything to get her back. *** Pakiramdam ko this is the longest 4-hour ride ng buhay ko. Umalis ako sa bahay nang maliwanag pa at pagdating ko sa Baguio sinalubong ako ng malamig na klima at madilim na ang kalangitan. Sa isang hotel ako tumuloy at dito ko pinlano kung papaano ko kakausapin si Jessica. Napatingin ako sa phone ko nang mag-ring ito. Pangalan ni Irene agad ang naka-flash sa screen ng phone ko. Ilang araw ko na ding hindi sinasagot ang mga tawag niya. “God damn it, Alvin! Finally, you f*****g answered my call!” sigaw agad ni Irene. Ramdam ko ang inis niya sa akin sa boses palang niya. “I’m just busy in my work,” sagot ko. “Don’t f*****g answer me that, Alvin. Tumawag ako sa secretary mo and you’re away for f*****g days sa office mo. Where have you been? Ilang araw mong hindi sinasagot ang mga tawag ko. What is wrong with you?!” Napabuntong hininga na lang ako. “Irene, I think, hanggang wala na tayong patutunguhan. I’m getting tired of this.” Natahimik ang kabilang linya. I just want to end everything with Irene. I want Jessica now. I want my wife. “What do you mean?” tanong niya. Kalmado ang boses niya. “Look, I’m sorry if I shouted at you earlier. I’m just pissed because I cannot contact you for days.” “Irene, let’s end this. I’m sick and tired of our set up. Wala na tayong patutunguhan. We’re just running around circles here.” “Wait! What are you talking about? If this is about marriage, okay sige. Pag-uwi ko pakasal na tayo,” she said. “Irene, its too late. Ayoko na. Let’s end this.” “No, Alvin. Mag-usap tayo! Alvin!” Hindi na ako sumagot pa and I ended na call. I even block her number sa phone ko. All I want is to focus with Jessica. I want to get things right. JESSICA LOVETE’S POINT OF VIEW “Hindi pa naghihilom ang sugat ng nakaraan? What if ako ang magpapagaling ng mga sugat na iyan? Papayag ka ba?” Napailing na lang ako nang maalala ko ang tanong ni Carl sa akin. Feeling ko ang seryoso ng tanong niya eh tapos biglang “Joke lang! Pinapatawa lang kita!” Tuesday ngayon at mamayang hapon pa ang pictorial ni Carl. Ang alam ko ang venue ngayon ay sa Camp John Hay, like promoting military sila doon. Kaya libre ako ng mga ganitong oras. Wala naman ako masyadong gagawin ngayong umaga. Naglinis na lang ako ng buong unit, syempre nakakahiya kay Carl kapag inabutan niya itong marumi. Nakakamiss din ang ganitong ka-peaceful na umaga. Nitong mga nakaraang buwan eh napaka-chaotic but good thing nakilala ko si Carl. I have a friend na maasahan, well siya lang naman ang kilala ko dito sa Baguio. Habang ninanamnam ko ang sarap ng kape na galing sa Sagrada ay tumunog ang doorbell. Nakangiti pa akong binuksan ang pinto pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang isang hindi inaasahang panauhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD