CHAPTER 4

1432 Words
Nagkatinginan sina Levi at Vera bago sabay na humalakhak, na para bang isang malaking biro ang sinabi ni Willa. "Simple lang," nakangising saad ni Vera. "E di habang sinusubukan ninyong tuparin ang gusto ng Daddy ni Levi... manonood lang ako." Nagpanting ang tenga ni Willa. "Nahihibang ka na ba?" galit niyang sigaw. "May tama ka na ba sa utak?gusto mo na habang nagtatalik kami ay nanonood ka?'" Nawala ang ngiti sa labi ni Willa at napalitan ito ng matinding pagkasuklam. "Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Wala kang karapatang bastusin ang pagkatao ko." Ngayon ay lubos nang naunawaan ni Willa kung gaano magiging miserable ang buhay niya sa piling ng dalawa. Pakiramdam niya ay nasusuka siya sa bawat salitang naririnig. "Mga hayop kayo!" nanginginig sa galit na sigaw niya. "Ano'ng akala ninyo sa akin? Isang baboy na gagawing inahin para lang makuha ninyo ang gusto ninyo?!" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay mabilis na humakbang si Levi. PLAK! Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Napahawak si Willa sa namumula niyang mukha habang napapaatras. Mariing tumitig sa kanya si Levi. "Shhh... relax," malamig nitong saad. "Baka nakakalimutan mong nasa pangangalaga ko ang ina mo." Nanigas si Willa. Unti-unting nawala ang galit sa kanyang mga mata at napalitan ng takot. "Anong... ibig mong sabihin?" mahina niyang tanong. Lumapit si Levi hanggang halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. "Huwag mo akong pilitin na gumawa ng bagay na pagsisisihan mo." Saglit itong tumingin sa kanya bago muling nagsalita. "Kung ayaw mong may mangyaring masama sa nanay mo... matuto kang sumunod." Napakuyom ng kamao si Willa. Gusto niyang lumaban. Gusto niyang isigaw ang lahat ng galit na nasa dibdib niya. Ngunit nang maalala niya ang kanyang ina, unti-unting bumagsak ang kanyang mga balikat. Tahimik na tumulo ang kanyang mga luha. Sa sandaling iyon, napagtanto niyang hindi lamang ang kalayaan niya ang nakataya... Kundi pati ang buhay ng tanging pamilyang natitira sa kanya. "Hayop kayo!" sigaw ni Willa habang nangingilid ang mga luha. "Vera, tiyahin mo si Mama! Kapatid siya ng mama mo!" Umikot ang mga mata ni Vera at mapaklang natawa. "Eh ano naman?" malamig nitong sagot. "Wala akong pakialam. Ang mahalaga sa amin ay makuha ni Levi ang mana niya." Lalong nanginig sa galit si Willa. "Hindi kayo tao... mga halimaw kayo!" Bago pa muling makapagsalita si Vera, may kumatok sa pinto. "Señorito Levi..." tawag ng katiwala mula sa labas. Napairap si Vera. "Ano ba 'yang katiwala mo, Babe? Akala mo naman kinakatay kung makatawag," reklamo nito habang nakasimangot. Napabuntong-hininga si Levi. "Sandali." Lumapit siya sa pinto at binuksan ito. "Ano 'yon?" Bahagyang yumuko ang katiwala. "Pasensya na po, Señorito. May mahalaga lang pong sasabihin." "Ano?" "May nakita pong isang lalaki ang mga mangingisda sa dalampasigan. Wala po itong malay at mukhang inanod ng dagat. Buhay pa po siya, pero malubha ang kalagayan." Nagkatinginan sina Levi at Vera. "Lalaki?" kunot-noong tanong ni Levi. "Opo, Señorito. Mukhang galing po sa malaking sakuna sa dagat." Saglit na natahimik si Levi bago nagsalita. "Dalhin ninyo siya sa guest house. Tawagin n'yo rin ang doktor." "Opo, Señorito." Mabilis na umalis ang katiwala. Samantala, hindi alam ng sinuman sa loob ng silid na ang lalaking inanod sa kanilang isla... Ay si Leigh Ocampo, ang taong magpapabago sa kapalaran nilang lahat. "Oh, sige. Diyan ka lang muna," malamig na sabi ni Levi habang marahang tinatapik ang pisngi ni Willa. "Titingnan ko kung sino ang panauhin nating napadpad dito." Pagkatapos ay lumingon siya kay Vera. "Let's go, Babe." Agad namang kumapit si Vera sa kanyang braso at sabay silang lumabas ng silid. Nang marinig ni Willa ang pagsara ng pinto, para bang kasabay niyon ang tuluyang pagbagsak ng kanyang pag-asa. "Mga hayop kayo..." mahinang usal niya habang pumapatak ang kanyang mga luha. "Wala kayong puso." Napaupo siya sa gilid ng kama at napayakap sa sarili. "Napakasama ng mga ugali ninyo..." Mas lalong sumikip ang kanyang dibdib nang maalala kung bakit siya napilitang pakasalan si Levi. Lalo na si Vera. Hindi niya lubos maisip kung paano nito nagawang isakripisyo ang sariling kadugo para lamang matupad ang kanilang kasakiman. "Pati sariling tiyahin mo... nagawa mong idamay para lang mapasunod ako." Unti-unting napalitan ng matinding paninibugho at hinanakit ang kanyang mga luha. Hindi dahil mahal niya si Levi. Kundi dahil sa harap-harapan niyang nakikita kung paano ito tratuhin ni Vera—na para bang siya ang tunay na asawa, samantalang si Willa ay isa lamang kasangkapan upang makuha ang mana ng pamilya. Napapikit siya at mariing kinuyom ang kanyang mga kamao. "Hindi habang-buhay magiging ganito ang buhay ko..." bulong niya sa sarili. "Darating ang araw... makakalaya rin ako sa inyong dalawa." Hindi akalain ni Willa na totohanin ng ama ni Levi ang matagal nang kasunduang ginawa ng kanilang mga lolo. Ayon sa kasunduan ng dalawang matanda noon, kapag nagkaanak sila ng isang babae at isang lalaki, ang mga ito ang magkakatuluyan. Ngunit sa kasamaang-palad, kapwa lalaki ang naging anak nila. Kaya nang magkaroon sila ng mga apo, napagdesisyunan nilang ipagpatuloy ang kasunduan sa susunod na henerasyon. Ngunit hindi iyon matanggap ni Levi. Mula pa noon ay mali na ang kanyang pagkakaintindi sa lahat. Akala niya ay may lihim na relasyon ang kanyang ama at ang ina ni Willa. "Ang galing n'yo talagang mag-ina!" galit na sigaw ni Levi noong araw na malaman niya ang tungkol sa kasunduan. "Nakuntento na ba kayo? Nilalandi na nga ng nanay mo ang Daddy ko, gusto n'yo pa talagang maikasal tayo!" Napaluha si Willa sa narinig. "Levi, hindi totoo 'yan!" mariin niyang pagtatanggol. "Wala kaming alam ni Mama sa kasunduang iyon. At lalong hindi nilalandi ng Mama ko ang Daddy mo." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Mahal na mahal ng Mama ko ang Papa ko. Kahit matagal na siyang pumanaw, hindi siya kailanman naghanap ng iba." "Sinungaling!" muli siyang sinigawan ni Levi. "Mas gusto mong paniwalaan ang kasinungalingan kaysa alamin ang katotohanan," nanginginig ang boses ni Willa. "Pareho lang tayong biktima ng desisyong ginawa ng matatanda." Ngunit sarado na ang isip ni Levi. Sa galit at maling akalang bumalot sa kanya, hindi niya magawang pakinggan ang kahit isang paliwanag ni Willa. Sa kanyang paningin, ang dalaga at ang ina nito ang sumira sa katahimikan ng kanilang pamilya. "At gusto mo talagang paniwalaan kita?" malamig na tanong ni Levi. Lumapit pa ito sa kanya at puno ng panghahamak ang mga mata. "Bakit hindi na lang kayo umamin? Haliparot talaga kayong mag-ina... at mga gold digger." Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Willa sa narinig. Unti-unting pumatak ang kanyang mga luha. "B-bakit ba ayaw mong maniwala?" nanginginig ang boses niya. "Ayoko rin namang makasal sa'yo! Kung ikakasal man ako, gusto ko iyon ay sa lalaking mamahalin ko." Napuno ng galit ang kanyang tinig. "Sino ka ba sa inaakala mo para husgahan kami nang ganoon?" Ngumisi lamang si Levi. "Dahil hindi naman talaga kayo kapanipaniwala. Pareho lang kayo ng nanay mo." Napakuyom ang kamao ni Willa. "May sakit na nga ang nanay mo, nakukuha pa niyang lumandi sa Daddy ko." Sa sandaling iyon ay nagpanting ang tenga ni Willa. "Kung makapagsalita ka, parang ang linis-linis mo!" mariin niyang sagot. "Hindi mo man lang inalam ang totoo, hinusgahan mo na agad kami." Mahigpit siyang tumitig sa binata. "Hinding-hindi ko ipagpapalit ang dangal ko para sa pera. At lalong hindi gagawin iyon ng mama ko." "Tama na!" sigaw ni Levi. "Kahit anong sabihin mo, wala akong paniniwalaan." "Napakahusay mo," mapait na saad ni Willa. "Kapag kaharap mo ang Daddy mo, akala mo kung sinong anghel. Pero kapag tayo lang, lumalabas ang tunay mong ugali." Napangisi si Levi. "Natural. Kailangan kong magtiwala sa akin si Dad. Kahit nakakasuka kayong mag-ina." Napailing si Willa sa sobrang galit. "Akala mo ikaw lang? Sukang-suka rin ako sa pagmumukha mo." Humakbang siya palapit. "Pwede kong sabihin sa Daddy mo na hindi na lang tayo magpapakasal." Napatawa si Levi. "Bobo ka ba? Kapag ginawa mo 'yon, lalong hindi ibibigay sa akin ni Dad ang kumpanya." "Kung gano'n, aminin mo na hindi ako ang gusto mo. Ang gusto mo lang ay ang mana." Malamig ang tingin ni Levi. "Hindi ko naman itinanggi." Napakuyom ng kamao ni Willa. "Napakawalanghiya mo." "At ikaw," sagot ni Levi, "mas mabuting tandaan mo na pareho tayong walang kalayaan sa kasalang ito. Ang kaibahan lang, ako ay gagawin ang lahat para makuha ang nararapat sa akin." Tumulo ang mga luha ni Willa habang nakatingin sa lalaking kaharap. Sa araw na iyon, bago pa man sila ikasal, tuluyan nang nabuo ang pader ng galit at maling akala sa pagitan nilang dalawa—isang pader na tila napakahirap nang gibain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD