bc

The love I never Expected

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
one-night stand
HE
fated
arrogant
heir/heiress
bxg
sassy
affair
like
intro-logo
Blurb

Sobrang magmahal si Leigh Ocampo. Kapag may minahal siya, iyon na talaga habang-buhay.Kaya nang pumanaw ang kanyang fiancée na si Rina bago ang kanilang kasal, tila kasama nitong namatay ang kanyang puso. Ipinangako niyang hinding-hindi na siya muling magmamahal.Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Willa."Bakit parang lagi kang galit sa akin?" tanong ni Willa."Dahil hindi kita dapat gusto,dahil dapat layuan kita" malamig na sagot ni Leigh.Kinamuhian niya si Willa at ang sarili dahil pakiramdam niya'y pinagtataksilan niya ang alaala ni Rina. Ngunit sa kabila ng kanyang pag-iwas, lalo lamang siyang nahulog sa dalaga.Hanggang sa isang gabing hindi nila inaasahan ang nangyari sa kanila.At mula noon, hindi na nagawang kalimutan ni Leigh ang babaeng hindi niya inaasahang mamahalin at muling magbubukas ng puso nya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Gumimbal sa buong pamilya Ocampo isang umaga ang balitang pumanaw na ang matandang Ocampo. Dahil dito, dali-dali silang nagsiuwi sa kanilang hacienda sa San Sebastian. Halos buong bayan ay nagluksa sa pagpanaw nito. Kilala kasi ang matanda sa kanyang kabutihan at ginintuang puso, lalo na sa mga mahihirap at mga manggagawa sa kanilang hacienda. Hindi ito mahirap lapitan at laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Pagdating ni Leigh mula sa Maynila, agad niyang pinuntahan ang kanyang lola. Nadatnan niya itong nakaupo sa tabi ng kabaong ng kanyang lolo, walang tigil sa pag-iyak. "Lola, tahan na. Makakasama sa inyo yan." Sabi ni Leigh sa kanyang lola. "Leigh... Wala na ang Lolo mo. Napakasakit. Iniwan na niya akong mag-isa," hikbi ng matanda. "Alam po namin, Lola. Pero matanda na rin kasi si Lolo. Huwag na po kayong malungkot — gusto nyo po ba na makita kayong ganyan ni Lolo?" sabi ni Leigh. "P-pero... pano naman ako?" sabi ng Lola niya. "Hala, huwag kayong mag-alala. Andito naman po si Mama at mga kapatid niya. Andito din kaming mga apo mo — hindi naman po namin kayo pababayaan na mag-isa," pag-aalo ni Leigh. Napabuntong-hininga ang Lola niya. Masuyong hinagod ni Leigh ang likod ng kanyang abuela. "Lagi po namin kayong dadalawin at ipapasyal sa mga lugar na gusto niyo, para di na kayo malungkot," wika ni Dave, kapatid ni Leigh. May sumungaw na kung anong expression sa mukha ng matanda. Kahawig kasi ni Dave ang Lolo nito noong binata pa. "Naku, salamat mga apo." Kahit paano, naibsan ang lungkot ng matanda — dahil may naiwang buhay na alaala ang kanyang asawa. "Pero malulungkot pa rin ako. Alam ninyo naman kung gaano ko kamahal ang Lolo ninyo — ganun din siya sa akin," sabi nito. "Opo," hinawakan ni Leigh ang kamay ng Lola. "Pero isipin nyo — nasa paligid lang si Lolo, at binabantayan niya tayo. Lalo na po kayo." Muling napabuntong-hininga ang kanyang Lola, tila nagbabanta na namang lumuha. Ngunit kahit paano, napawi na ang matinding lungkot sa mga mata nito. "Mga apo, basta tutuparin ninyo ang pangako ninyo ha," sabi nito. "Syempre naman po, Lola," sagot ni Leigh. "Lalo na kapag ikinasal na kami ni Rina." Kasabay niyon ay hinanap niya ng tingin ang kanyang kasintahan. Nakita niya itong abalang tumutulong sa kanyang ina at mga tiyahin sa pag-asikaso sa mga nakikiramay — walang tigil ang pagdating ng mga tao upang masilayan sa huling pagkakataon ang kanyang Lolo. Tahimik na pinagmasdan ng matanda si Rina. Maganda ito. May maamong mukha at mahabang tuwid na buhok. Higit sa lahat — mabait at magalang sa lahat ng kanyang nakakasalamuha. "Alam mo, hijo," ani ng kanyang Lola, "napakaganda at napakabuti ng nobya mo. Talagang bagay na bagay kayo. Sayang lang at hindi na makikita ng Lolo mo ang kasal ninyo — pati na rin ang mga apo sa tuhod na ibibigay ninyo sa amin." Napangiti si Leigh. "Hay naku, Lola. Ikakasal pa lang po kami, nasa mga apo na agad kayo." "Naku, doon din naman kayo patutungo. Kunwari ka pa, apo," natatawang saad ng matanda. "Hmm, sabagay po — tama naman kayo." Lihim na natuwa si Leigh. Kahit paano, nagawa nilang pasayahin ni Dave ang kanilang Lola sa gitna ng matinding pagdadalamhati. Munting tagumpay iyon — ngunit malaki ang kahulugan para sa kanya. Dumating ang araw ng libing ng kanyang Lolo. Halos buong San Sebastian ay nakiramay at nakidalamhati sa kanilang pamilya. Dumagsa rin ang kanilang mga kamag-anak mula sa iba't ibang lugar upang samahan sa huling hantungan ang haligi ng kanilang angkan. Mula sa simbahan hanggang sa sementeryo ay napuno ng mga taong nais magbigay ng huling pagpupugay — sa isang lalaking minahal at iginalang ng marami. Tunay na ipinakita ng araw na iyon kung gaano kalaki ang naging bahagi ng matandang Ocampo sa buhay ng mga taong kanyang natulungan at minahal. Hindi lang siya isang may-ari ng hacienda. Siya ay isang haligi. Isang liwanag. At kahit wala na — ang kanyang alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat isang nakilala siya. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi pa pala doon natatapos ang trahedyang haharapin ng pamilya Ocampo. Pagkatapos ng babang-luksa, nagdesisyon sina Leigh at Rina na lumuwas na ng Maynila — upang ayusin ang nalalapit nilang kasal. "Paano po ba 'yan, Lola — una na po muna kami," paalam ni Leigh. "Marami pa po kasi kaming aayusin sa aming nalalapit na kasal. Pero pangako — mapapadalas na po kami ni Rina dito pagkatapos," dagdag niya. Agad nilang hinalikan at niyakap ang matanda. "O siya, sige na. Mag-ingat kayo sa biyahe. Ako'y wag mo nang alalahanin, apo — marami akong kasama dito," sabi ng Lola niya. Hindi nagtagal, lumulan na ang magkasintahan sa sasakyan at tuluyang umalis. "Love, saan mo tayo gustong mag-honeymoon kung sakali?" tanong ni Leigh habang nagmamaneho. "Ha?" Namula ang dalaga, di agad alam ang isasagot. Ngunit may naalala rin agad. "Love, parang gusto ko sa Palawan," sabi nito. "Are you sure? Ayaw mo bang mag-out of the country tayo?" "Naku, huwag na aksaya lang 'yon, love. Maganda naman sa Palawan, di ba? At mukhang romantic pa." Malambing na wika ni Rina habang nakasandig ang ulo nito kay Leigh. "Hmm, sabagay. Mas maganda para di mahaba ang oras sa biyahe " pilyong dagdag ni Leigh, "para we make love agad after our wedding." "Leche! Ikaw talaga, ang harot mo!" sabay kurot kay Leigh. "Aray! Wag naman ganyan, love nagdadrive kaya ako," natatawang saad ni Leigh. Bahagya silang gumewang ngunit mabilis namang nakabawi si Leigh sa manibela. "Ikaw kasi, ang harot-harot mo," nakairap na saad ni Rina. "Hahaha nagbibiro lang naman ako, love." Iniunat na ni Leigh ang kamay upang hawakan si Rina "Leigh! may makakasalubong tayo!" Malakas. Puno ng takot. Awtomatikong napatingin si Leigh sa daan. Isang pampasaherong bus ang biglang sumulpot mula sa pakurbadang bahagi ng kalsada at mabilis na papalapit sa kanilang direksyon. "No!" Nakabig niya ang manibela nang buong lakas. "s**t bakit walang preno! Ayaw kumagat!" Paulit-ulit niyang tinapakan. Muli. At muli. At muli pa. Wala. Walang nangyayari. "Leigh!" Iyon ang pinakahuli. Ang tinig ni Rina ang pangalan niya sa labi ng taong pinakamamahal niya bago tuluyang kumawala ang lahat sa kanyang kamalayan. Ang kasal na dapat ay magiging simula ng kanilang buhay magkasama baka ito na rin ang katapusan. Nang magising si Leigh sa ospital, agad niyang naramdaman ang pananakit ng buong katawan. Ngunit hindi niya iyon ininda. Pilit siyang bumangon mula sa kama. "Bro, stop it. Huwag ka munang tumayo, hindi pa maayos ang lagay mo," awat ni Dave. Ngunit tila wala siyang narinig. "Bro... nasaan si Rina?" agad niyang tanong. Natahimik si Dave. "Sumagot ka! Nasaan si Rina?" halos hysterical na sigaw ni Leigh. Napabuntong-hininga si Dave bago yumuko. "Bro... wala na siya." Parang huminto ang mundo ni Leigh. "H-ha? Paano?" nanginginig niyang tanong. "malapit na kaming ikasal, bro..." Napapikit si Dave. "Napuruhan siya sa aksidente. Dead on arrival na siya nang madala sa ospital." Tuluyan nang bumagsak ang mundo ni Leigh. Hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha. Hindi pa man tuluyang magaling ay nagpumilit na siyang makalabas ng ospital upang makita ang kanyang nobya sa huling pagkakataon. Nang makita niya si Rina na nakahimlay sa loob ng kabaong, para na namang piniga ang kanyang puso. "Rina..." basag ang boses niyang tawag. Lumapit siya rito at marahang hinawakan ang malamig nitong kamay. "Bakit naman ganito?" humahagulgol niyang saad. "Ang bilis mo naman akong iniwan. Ikakasal pa tayo, hindi ba?" Walang sumagot. Tanging katahimikan lamang ang bumalot sa paligid. "Ang daya-daya mo naman..." umiiyak niyang bulong. Maraming beses siyang sinubukang awatin ng pamilya ngunit walang makapagpigil sa kanyang pagdadalamhati. Dumating ang araw ng libing. Habang nakatayo sila sa sementeryo, nakatitig lamang si Leigh sa kabaong ng babaeng pinakamamahal niya. "Anak," mahinang tawag ng kanyang ama. "Tama na. Nauunawaan namin ang nararamdaman mo. Pero kailangan na nating ihatid si Rina sa kanyang huling hantungan." Mariing napapikit si Leigh. Pakiramdam niya ay kasabay ni Rina na inililibing ang lahat ng kanyang pangarap. Mabigat man sa kanyang kalooban, tumango siya. "Sige na, Dad..." paos niyang saad. "Ihanda n'yo na siya." Mabilis siyang tumalikod. Hindi niya kayang makita ang tuluyang pagbaba ng kabaong sa lupa. Hindi niya kayang tanggapin na iyon na ang katapusan. "Nakikiramay kami, Leigh. Magpakatatag ka," sabi ng isa niyang pinsan. "Salamat," walang buhay niyang tugon. Pagkatapos noon ay agad siyang lumakad palayo. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at walang lingon-likod na pinaharurot iyon palabas ng memorial park. Tahimik lamang na napatitig sa papalayong sasakyan ang kanyang mga magulang at si Dave. "Luis..." mahinang tawag ng kanyang ina habang pinupunasan ang mga luha. "Ang anak natin... ano na ang mangyayari sa kanya?" Inakbayan siya ng asawa. "Shhh... huwag kang mag-alala." Ngunit maging siya ay hindi sigurado sa kanyang mga sinasabi. "Malalampasan din niya ito." At habang pinagmamasdan nila ang malayong kalsadang tinahak ni Leigh, iisa lamang ang nasa isip ng lahat Paano makakabangon ang isang taong kasabay ng minamahal niyang namatay ang kanyang puso?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
723.0K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
959.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
347.2K
bc

Not just, the Beta

read
342.5K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook