Chapter One
Chapter 1
Klaire's POV
Isinugod sa hospital ang tatay ko dahil inatake ito sa puso. Kailangan siyang maoperahan agad kung hindi maari siyang mawala sa akin. Agad kong tinawagan si Manager Yssa, ang manager ng bar na pinagtratrahuan ko. Kung may kilala siyang lalaki na handang magbayad ng malaking halaga. Wala na akong ibang choice kundi ibenta ang katawan ko upang mailigtas ang buhay ng tatay ko dahil hindi kasya ang naipon kong pera sa operasyon ni tatay sa puso. “Bakit Klaire? May problema ba?”
“Kailangan ko kasi ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng tatay ko. Please, Manager Yssa may kilala ka ba?” Desidido na talaga ako, dahil buhay ng tatay ko ang nakataya dito. Wala na akong ibang option. “Magkano ba kailangan mo?”
Magkano nga ba kailangan ng operasyon ni tatay. Hindi ko kasi natanong kung magkano. “Five million,” tanging lumabas sa bibig ko. Mas okay na iyong may allowance kaysa magkulang. “Ano? Five million ang laki naman!”gulat na tanong niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Heart transplant kasi 'yon. “Handa ka bang ibenta dignidad mo at ang pagkabirhen mo kapalit ng limang milyon?”
Basta para kay tatay gagawin ko ang lahat. “Oo, Manager Yssa, gagawin ko po ang lahat para kay tatay. Isasakripisyo ko ang aking sarili, maoperahan lamang ang tatay ko,”walang pag-aalinlangan kong sagot sa kaniya.
“Kung gan'on, pumunta ka sa address na ibibigay ko sa 'yo at hanapin mo si Mr. Dixon. I-inform ko rin siya,”sagot naman niya.
Agad kong pinuntahan ang address na sinabi ni Manager Yssa. Nang makarating ako sa address na ibinigay ni Manager Yssa sa akin.
Inayos ko muna ang aking sarili bago nagdoor bell. Mga ilang saglit pa ay pinagbuksan ako ng isang babaeng medyo may edad na. Kasing edad ng tatay ko. “Sino po sila?” tanong nito.
“Nandiyan ba si Mr. Dixon?”
“Ano po ang kailangan niyo kay Senyorito Dixon?”
“Private matters, Manang”
“ Ano pong pangalan mo ineng?”
“Klaire Madrigal po, Manang”
“O sige, ineng. Tawagin ko lang muna si Senyorito Dixon,”paalam nito at agad na isinirado ang malaking gate. Panay ako sa pagbuntong-hininga. Ayoko sana itong gawin sa aking sarili ngunit wala akong ibang paraan. Ito lamang ang tanging pag-asa na ma-operahan ang tatay ko. Ilang minuto, pagbalik ng kasambahay ay kasama na niya ito.
“Ikaw ba si Klaire Madrigal?” baritonong tanong niya. Tumango lamang ako sa kaniya bilang tugon. Kinakabahan talaga ako.
He smirked. “Okay, wait for me here. Kukuhanin ko lang ang kotse ko. There's no turning back, okay?”
“Y-yes po, Sir,” nauutal kong sagot.
DINALA niya ako sa isang mamahaling hotel. Nakasunod lamang ako sa kaniya papasok sa loob. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob kaya't napayuko ako.
Binati siya ng mga staff. At nanatili lamang akong nakayuko. “Name your prize, Miss Madrigal! ”seryosong tanong niya nang makapasok kami sa room 304.
“Limang milyon, Sir. Kapalit ng pagkabirhen ko.” Nakayukong sagot ko. Bahagya siyang natawa.
“Okay deal!” baritonong sabi niya sabay hubad. Hindi ako nakagalaw ng masilayasan ko ang kabuuan ng katawan niya. “What are you waiting for? Do your fvcking job!”
“O-okay po sir,” nauutal kong sagot. At inisa-isa kong tinanggal ang saplot ng aking katawan. Wala akong s*x experience kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Hahalikan na sana niya ako nang magsalita ako ulit. Kailangan kong siguraduhin na may contraceptives siya para hindi ako mabuntis. “May contraceptives ka?”
“Wala, pero don't worry I'm sterile,”sagot niya.
PAGGISING ko agad akong namimilipit sa sakit ng p********e ko, tila pinupunit ito sa sobrang sakit. Marahan akong bumangon. At may nakita akong dugo sa bedsheet. “Iyong virginity ko!”mahinang bulong ko sa aking sarili sabay ng pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
Napako ang tingin ko sa isang t'seke na nakalagay sa tabi ng lampshade at agad kong nilisan ang hotel. Pinagtitinginan ako ng mga tao ngunit hindi ko sila pinansin. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa malapit na bangko upang magwithdraw.
Pagkatapos ay nagtungo ako sa St.Jun Hospital kung saan nakaconfined si tatay. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Tita Clarissa, ang madrasta ko. Bumaling ang tingin niya sa bag na dala ko.
“Ano iyang dala mo?”
“Pera po,“deretsong sagot ko. Bakas sa mukha ni Tita Clarissa ang pagkagulat.
“Paano?”naguguluhang tanong niya.
“Basta, Tita Clarissa. Hindi na po importante kung saan ako nakakuha ng pera. Ipa-schedule mo agad ang operasyon ni tatay. “Kahit naguguluhan ito ay tumango ito sa akin at agad na lumabas.
Muling pumatak ang luha sa mga mata ko. “Ibinenta ko ang dignidad ko tay para ma-operahan ka. Ginawa ko ito tay para sa'yo dahil ayokong mawala ka sa akin. Ikaw na lang ang mayroon ako.”
“Mahal na mahal kita tay!”
KINABUKASAN ay agad na dinala si tatay sa operating room. Sa mga sandaling 'to 'di ako mapakali. Nasa labas ako ng operating room. Maya-maya ay dumating si Tita Clarissa kasama si Venice, anak niya sa pagkadalaga. Niyakap ako nito ng mahigpit.
“Nasa loob na ba ng operating room ang tatay mo , Klaire?”mangiyak-ngiyak na tanong nito sa akin.
“Kumusta ang operasyon ng tatay ko doc?”kinakabahang tanong ko.
“Successful ang operasyon ng tatay mo, iha. No worries, ligtas na ang tatay mo,”sagot nito sa akin. Halos maluha ako sa sobrang saya. Dahil nalampasan ni tatay ang operasyon niya.
Nawala man ang virginity ko ngunit nailigtas naman nito ang buhay ng tatay ko. Masakit man sa loob ko ang pagkawala ng virginity ko, kapalit naman nito ang buhay ng tatay ko. “Maraming salamat, doc!”maluha-luhang pasalamat ko sa mga surgeon na umopera kay tatay.
Nilipat na rin si tatay sa recovery room. TATLONG buwan ang nakalipas simula noong maibenta ko ang aking virginity kay Mr. Dixon at naoperahan sa puso si tatay ay may kakaiba akong naramdaman sa katawan ko.
Hindi na rin ako dinalaw ng kabuwanang regla ko. Palagi akong naduduwal at inaantok. At sumagi sa isipan ko ang bumili ng pregnancy test. Halos nanlumo ako sa resulta. It's POSITIVE buntis nga ako. Paano na ito?
Desi otso pa lang kasi ako. At kasalukuyan akong nag-aaral ng kolehiyo. First year college pa ako sa kursong HRM (Human Resource Management) at kapag ito nalaman ni tatay ay tiyak na itatakwil niya ako.
Nasa loob ako ng comfort room sa DLSU University, itinapon ko ang pregnancy test sa basurahan at agad na naghilamos.
“Klaire! Matagal ka paba diyan?”tanong ni Briannah, bestfriend ko.
Bumuntong-hininga ako bago sumagot. “O-oo palabas na ako!”
Pagbukas ko ng pinto, hinatak ni Briannah ang kamay ko papunta sa basketball court. “We almost two minutes late, Klaire. Ano ba kasi ginawa mo sa loob ng cubicle? Nag-aano ka no?” napataas naman ang isang kilay ko.
Greenminded talaga ang bobita na ito eh. “Tsss.”
“Wag sobraan sa panonood ng p0rn videos, Klaire baka maging rapist ka ng toro ah? Sige ka! ”Awtomatiko ko siyang binatukan. Kung anu-ano pumasok sa isip nito.
Gagi talaga! “ Kailangang mamatok?” reklamo niya. Inirapan ko lamang siya.
Hanggang sa nakarating kami sa basketball court at nagsimula na rin ang laban ng dalawang team.
At sa isang team naroon ang infinity crush ni B na si Alexis. Ang campus hearttrob ng DSLU. Honestly crush ko rin 'to kaso 'di ko ipinaalam kay B baka kasi magkaworld-war 3 kapag nalaman niyang crush ko rin ang crush niya. Uwaaa! Ang gwapo kasi!
Year of the snake pa naman ngayon kaya't naglabasan ang mga traydor! “Hoy! Klaire, ang lagkit ng titig mo kay Papa Alexis ko ah? Gusto mo?” Itinaas pa nito ang kamao niya at handa na siyang suntukin ang mukha ko.
Sadista talaga ng bestfriend kong 'to. Sakim eh. Hays!
“Di naman siya tinitigan ko ah?”kamot-ulong sagot ko sa kaniya.
“Akin lang siya, Klaire! Akin lang!”Gagi talaga! Napakasakim! Tss..tss..
Nagtatalon ito sa saya nang makashoot si Alexis. “Go Papa Alexis! Ishoot mooooo sa ring ko!” sigaw niya pa. Kaya ang iilan sa mga audience ay napalingon sa gawi namin.
Nakakarindi ang boses niya. Ang ingay ng impaktita na ito. Daig niya pa ang girlfriend ni Alexis. May girlfriend na kasi si Alexis.
Yeah she knows it. Martir lang talaga ang gaga! Haha!
“Ishooot mo, Alexis! My ring is reaaaadddyyy!” Ang ingay talaga! Nakakahiya sa ibang mga estudyante. Dinamay pa ako.
Bago paman siya muling makasigaw ay agad kong tinakpan bibig niya.
“Ewwww! Ang baho ng kamay mo Klaire! My god! Humawak ka sa pwet mo?” ang kati kasi eh, 18 years of existence ngayon lang kumati pwet ko. I don't know why!
“Mabaho ba? Naghugas naman ako kanina ah?”mapang-asar kong tanong sa kaniya. Halos umusok na sa galit ilong ni B.
Hihi! “Gagi ang baho!”
Napapailing na lamang ako. Di naman kasi mabaho kamay ko eh. Overacting lang siya. Oa ba oa! Tssss...
Pagkatapos ay dumiretso ako sa locker room ko upang magpalit ng P.E uniform. Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko dahil mukha ni Mr. Dixon ang bumungad sa akin.
Nakatuxedo pa ito, businessman ang attire niya. Bigla na lang niya akong hinatak sa kung saan.
Maraming estudyante ang nakatingin sa gawi ko. Nakakahiya! Huhu! Ipapasalvage kaya ako nito? Sh1t wag naman sana!
“N-nasasaktan ako!” mas lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko.
“Masasaktan ka talaga sa akin, kapag nagpupumiglas ka pa diyan!”
Nakalabas na kami ng campus at isinakay niya ako sa Lamborghini niya. Am I going to be his s*x slave?
“Sa'n mo ako dadalhin?”
Di niya ako pinansin. “Hoy! Ibebenta mo ba laman loob ko?!”
“About ba ito sa limang milyon? Don't worry isasauli ko sa'yo ang natira sa operasyon ng tatay ko. Wag mo lang ibenta laman loob ko. O gawing s*x slave!”
“One more, you'll going to hell!”
Napalagok na lamang ako. Di na ako nagsalita pa. Baka kasi totohanin niya ito.
Huminto siya sa hotel. Kung saan naganap ang first s*x experience ko. Kung saan ibinenta ko sa kaniya ang virginity ko.
At bigla kong naalala ang batang nasa sinapupunan ko. Hindi niya pwedeng malaman na buntis ako. “Hubad!” walang emosyon na utos nito sa akin.
“Ha?”
“Sabi ko, Hubad!”
At muli niyang inangkin ang katawan ko. Nakapayakap ako sa aking sarili pagkatapos. “Get up and get dress!”
Sa pangalawang pagkakataon, muling humapdi ang pagkababa3 ko. “Move!”
He left me alone. Sa pagkakataon na ito nahirapan akong magbihis sa sobrang sakit.
NANG makauwi ako. Nagkulong ako sa aking kwarto. Ilang missed calls na rin si Briannah sa akin. At alam kong nag-alala na siya sa akin. Hindi niya pwedeng malaman ang nangyari sa akin lalo na sa ipinagbubuntis ko.
Tatlong araw akong nilagnat. At tatlong araw rin akong absent sa classes ko. At ngayon medyo bumaba na ang lagnat ko.
Naubusan na rin ako ng stocks ng biscuit. Kaya nagpasya akong pumunta sa mini-grocery store dito sa amin upang bumili ng biscuits, oatmeals at iba pa.
Pagkatapos kong magbayad sa counter, palabas na sana ako ng mini-grocery store nang makasalubong ko si Mr. Dixon.
At may kasama siyang babae. Maganda, makinis at may pagkasingkit ang mga mata ng babaeng kasama niya. Matangos rin ang ilong nito.
Nakakapit sa braso ito sa braso niya. “Move aside, dadaan kami!” he murmured kaya awtomatiko akong gumilid. Nasagi ng mga mata ko ang pagtitig niya sa akin.
Girlfriend niya kaya 'to? O asawa? Naaawa ako sa batang dinadala ko, dahil lalaki siya ng walang ama. Itutulak ko na sana ang pinto nang may tumulak nito para sa akin.
“Let me push it for you, Miss!” sabi nito sa akin. Gwapo, chinito, maputi, matangkad at may mapupulang labi at iyon ay walang iba kundi ang kaibigan ni Alexis, ang isa sa mga campus hearttrob ng DSLU kung saan ako nag-aaral. “S-salamat!”
Paglingon ko. Ang sama ng titig ni Mr. Dixon sa akin lalo na kay Russel. Naikuyom rin nito ang kaniyang kamao.
“Let me help you!”
At muli kong nilingon si Mr. Dixon mas domoble ang galit sa mga mata nito. Nagseselos ba siya? Tsss. Assuming talaga ako.
“No, thanks. O siya alis na ako. Salamat ulit,”tanggi ko at pasasalamat. Dali-dali akong naglakad at sumakay sa bike ko.