Chapter 12 Dixon’s POV “Wag kayong titigil hangga’t hindi niyo mahuhuli si Luminous. Buhay man ito o patay!” utos ko sa aking mga tauhan. “Areglado!” “Ang sinuman ang makahuli kay Luminous may malaking gantimpalang makukuha sa akin!”dagdag ko pa. Handa akong magbigay ng pabuya sa sinuman ang makahuli kay Luminous. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya kay Klaire. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya napaghihigantihan. Tri-triplehin ko ang ginawa niya kay Klaire. Bumalik na ako sa hospital. Pagdating ko doon ay bumungad sa akin ang tatay ni Klaire at bigla na lamang ako nitong sinuntok. “Walangya ka! Kung hindi dahil sa’yo hindi magiging delekado ang buhay ng anak ko!” galit na sigaw ng tatay ni Klaire. “Sorry po, Tito. Kung hindi ko man lang naprotektahan si Klaire! Wag po kay

