Sa mga sandaling ito, pauwi ako sa aking condo. Napahinto ako sa pagmamaneho nang may nabangga akong lalaki. Agad akong lumabas ng kotse at tinulungan siya. "Aaaaaaaraaaaayy! Ang sakit ng binti ko!" sigaw niya habang namimilipit sa sakit. "Manong, okay ka lang?" nag-alalang tanong ko. Paika-ika siyang tumayo at lumapit sa akin. Aakayin ko na sana siya upang dalhin sa ospital, ngunit tumanggi ito. "Wag na ho, Ma'am. Bayaran niyo na lang ho ako!" sambit nito. Modus operandi ito. "Hindi, kailangan kitang dalhin sa ospital, Manong!" giit ko. "Bayaran niyo na lang ho ako, Ma'am!" Modus nga. Kunwari'y nasagasaan ko siya para makapagbayad ako ng danyos. Hindi niya ako mauuto. "Hindi ako magbabayad hangga't hindi ko nasusuri ang sugat o bali. Alam kong modus niyo iyan at hindi niyo ako mau

