Chapter 5

2648 Words
CHAPTER 5 Babe The next day felt like a dream. Despite being drunk last night, I still knew what I’ve done. Maski ba naman kasi sa panaginip, nandoon si Law. As soon as I woke up the next morning, my head throbbed. Doon lang ako tinamaan ng sakit ng ulo. Ito talaga ang mahirap kapag umiinom e. Grabe ang sakit sa ulo kinabukasan. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. To my surprise a handsome man was the first thing I saw. “Morning, Alya,” bati kaagad sa akin ni Law at nagawa pang kumindat. Huh? “Y-You still haven’t left?” gulat na tanong ko agad sa kanya. Palagi kasi, kapag ginagawa namin ito ni Theo, umaalis agad iyon pagkatapos na pagkatapos. Kaya naman ikinagulat kong nanatili si Law hanggang sa mag-umaga. He didn’t seem so tired to stay though. So… why? “I guess so? Am still beside you, baby,” he answered with a hint of sarcasm. Bahagya pa siyang tumawa pagkatapos. Dinig na dinig ko ang lalim boses niya dahil sa distansya naming dalawa. Kay sarap pa rin talaga noon sa tainga. Somehow, my heart melted because of the fact that he stayed. It may be simple but it meant a lot to me. Kapag iniiwan kasi ako agad ni Theo pagkatapos ng ganito, hindi ko maiwasang isipin na iyon lang ang habol niya. Tuluyan na akong bumangon. Kung hindi ko pa iyon ginawa, hindi ko pa mamamalayang ginamit ko palang unan ang braso ni Law. My eyes widened as I felt sorry for him. What the hell, Eve! You gave him so much trouble! “S-Sorry. Nangalay yata ang braso mo. You should have removed it immediately,” paghingi ko na lang agad ng paumanhin. Inabala naman ni Law ang sarili niya sa pagpapatunog ng braso niyang mukhang nangalay na. “I can’t. You would wake up,” he said casually. Huh? An ache pushed against my heart again. I am just… not used to this kind of treatment. Ito ba ‘yong normal? O sad’yang iba lang si Law? I couldn’t figure it out myself, especially if my basis is Theo. Hindi ko tuloy alam kung sobrang walang pakialam ng ex ko kaya ang “bare minimum” na pinakikita sa akin ni Law ngayon ay ikinamamangha ko na. Law casually went out of the blanket without wearing anything. Awtomatiko tuloy akong napaiwas ng tingin nang mamataan ko ang matambok at makinis niyang ano… puwit. Oh hell. I felt my cheeks flushed. Kahit na nakita ko naman na ang higit pa roon kagabi, hindi ko pa rin maiwasang mailang. Sinubukan ko na lang tuloy ituon ang atensyon ko sa aking sarili. I lifted up the blanket to check myself under it. To my surprise, I was already wearing my undies even though I didn’t remember dressing up after our deed. Mukhang si Law ang nagbihis sa kain. Is this for real? Wala naman kasi talaga sa itsura ni Law na ganito siya ka-gentleman. “Need to go. Am late for school already. Call me when you need me again. I’ll be there,” ani ng kasama ko nang matapos siyang magbihis. For the nth time, he winked at me. Naglapag din siya ng pilas ng papel kung saan nakalagay ang number niya at kahit ang username niya sa Snapchat. But wait a minute… “What do you mean ‘late for school’?” paglilinaw ko. Para kasi akong nabingi sa sinabi niya. Is he a teacher? A professor rather? “School. Studying,” tipid na sagot niya naman pabalik. Nagkibit-balikat pa siya habang ako’y kamuntikang masamid sa sarili kong laway. “H-Huh?! You’re still studying?!” Talagang napataas ang boses ko dahil sa sobrang windang. Wala sa itsura niya na nag-aaral pa siya! “Yeah. I retake my senior year here in California.” For the nth time, he shocked me with his revelation. My hand flew to my mouth in utter disbelief. “Senior?! You mean senior in high school?!” “Uh-huh?” Nagsalubong ang kilay ni Law dahil sa pagtataka kung bakit ganito na lang ang reaksyon ko. Paano naman kasing hindi ako mag-re-react nang ganito e baka sobrang bata pa niya! Hell no. Senior year? That’s too young for someone like me! “I’m not a minor. Like I said, I just retake my senior year here,” dipensa niya agad, wala pa man akong sinasabi. Mukhang nabasa niya yata sa mga mata ko ang mga iniisip ko ngayon. “Still! Did you know that I already received my bachelor’s degree almost two years ago?!” I exclaimed. “Hell!” Did I just hook up with a… minor—no. he said he’s not a minor anymore but still! I can’t believe I hooked up with someone younger than me! While I was having internal chaos, he even laughed at my surprised face. “You’re so cute when you’re flustered,” ani pa niya. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. “Shut up, kid!” But he just chuckled again. “Gotta go. Call me!” mabilisang paalam niya na bago umalis at tuluyan akong iwan. Hella no way! I’ll never call him! Ever! Kahit ilang minuto na siyang nakaalis, nakatulala pa rin ako sa kama. Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko dahil sa mga nalaman ko tungkol sa Law na ‘yon. Before I go, I looked around. Nakita ko ang dalawang pack ng ginamit naming condom pati na ang iniwan ni Law na papel. Napapikit ako nang mariin. You’re stupid, Eve! Stupid! Stupid! Stupid! I felt like I’ve done the worst crime ever. Laman iyon ng isip ko hanggang sa makauwi ako sa condo namin ni Rhea. Pinuno niya ako ng tanong dahil hindi ko naman daw ugaling hindi umuwi ng condo unless nagkabalikan kami ni Theo. “Where did you sleep last night, huh? In Theo’s na naman ba?” hula agad ng kaibigan ko. “No.” Now that I am thinking about last night again, I couldn’t help but think it might be much better if I just slept with Theo again than with a… kid. “Good.” Tumango-tango si Rhea, mukhang nagustuhan ang nalamang hindi ako bumalik sa ex ko kabagi. “Pero ba’t mukhang mas problemado ka ngayon?” Napapikit ako nang mariin sa napansin ng kaibigan ko. Pagdilat ko, mas lalo naman siyang na-curious. In the end, I told her what happened. Hindi ko na sinama ‘yong detalyeng parehong lalaki lang ang nakasama ko kagabi at ang lalaking humalik sa akin sa arena. “Oh my god, Eve!” Napasinghap si Rhea matapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari sa amin kagabi ng lalaking mas bata sa akin. I hoped she would react the same way I did but no. Rhea wouldn't be Rhea without naughtiness. “Is he good?” Ayon pa talaga ang itinanong niya sa akin. “What scale from 1 to 10?” “What?” I can’t believe this girl. Muli kong nasapo ang noo ko. Parang pasasakitin niya rin yata ang ulo ko e. “Shut up, Rhea. I don’t wanna remember.” I avoided her eyes. Pero ang kaibigan ko, talagang tumungo pa sa harapin ko at pilit akong hinanapan ng sagot sa mga tanong niya. “It’s fine naman, ‘no! Experience din ‘yan. ‘Tsaka for sure, hindi ka mahuhulog sa patibong kung mukha talaga siyang bata. Malay mo bobo lang tapos ilang beses umulit ng year,” aniya pa. I don't think so. Ang sabi lang naman ni Law, kaya siya umulit ng senior year ay dahil lumipat siya mula Pilipinas tungo rito sa California. That means he only repeated once. He might be 18 or 19! Screw it! Parang minor pa rin ang mga ganoong edad dahil kaka-legal age lang, ‘no! The thought of making out with a minor occupied my head for days. Ito namang si Rhea, pilit sinasabing ayos lang daw iyon. Sobra namang liberal dito sa California. Still! Hindi ko malilimutang ang lakas pa ng loob ni Law na tawagin akong "baby" e baka nga five years ang tanda ko sa kanya. Embarrassing! Two weeks passed but there was no single day I didn't feel embarrassed whenever I think of that one night with Law. Talagang hindi ko na rin siya tinawagan pa. Buti na lang din at maganda naman ang panahon nitong mga nakaraang linggo kaya hindi rin ako nakaramdam ng takot. Hindi rin talaga nagparamdam sa akin ang ex ko. Mukhang enjoy na enjoy ito sa paghahanap ng bago. Fortunately, Rhea and I have plans for today. Mababawasan ang oras kong manatili rito sa bahay at mag-isip ng kung anu-ano. Today is the Sports Day at our old campus here in California. Sa school kung saan kami nagkakilala ni Rhea. Dahil alumni at doon din nag-aaral ngayon ang kapatid ni Rhea na si Jhea, naisipan naming bumisita ngayon. “Maghanap ka ng mga guwapo. Ang dami-daming choice sa mundo. ‘Wag kang mag-stick sa gago. Lumandi ka!” payo ba naman sa akin ng kaibigan ko. Medyo matalim talaga siya magsalita minsan pero totoo madalas ng mga sinasabi niya. Natawa na lang ako. Hindi ko naman kasi mai-apply ngayon ang payo niya dahil mga mas bata sa amin ang nasa paligid dito sa campus. Rhea focused on cheering her cheerleader sister while I put my full attention sketching new clothes inspired by my surroundings. Ilang oras din yata kaming nanonood sa bleachers. Dahil din kasi sports day, ang daming makikitang iba't ibang athletes sa malawak na open field. Nang sumapit ang tanghali, tumungo muna ako sa mga food booths para bumili ng lunch para sa amin. There were a lot of options. Habang abala ako sa pag-iisip ng magandang bilihin, may bigla na lang tumabi sa akin at nagpanggap na namimili rin ng kung ano. He was tall and masculine. I could hear his pants beside me. Maiirita na sana ako dahil bakit kailangang manggitgit pero pag-angat ko ng tingin, mas nilamon ako ng gulat. Dahil naman sa pag-angat ko ng tingin, napatingin din sa akin pabalik ang lalaki. "Hey!" His eyes widened too when Law saw me. Oh hell no! Why do we have to cross paths?! Ganoon na ba kaliit ngayon ang California?! Obvious man, mabilis pa rin akong tumalikod af nagpanggap na hindi siya nakita. Katangahan, oo. Pero pinangunahan na ako ng kaba! “Hey you!” habol naman sa akin ni Law kaya naglakad takbo ako. “Alya!” Hell! He remembered my name! Patakbo na sana ako nang tuluyan kaso ay muli ko siyang narinig na sumigaw. “Help me!” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Una kong naisip ang ginawa niyang pagtulong sa akin noon. He needs help? As an instinct, I finally looked back. At least I wanted to pay back for how he helped me. “H-How?” nauutal na tanong ko sa kanya. I heard him mutter "yes" before he walked towards me again. Lumingon-lingon pa siya sa paligid, tila ba may tinataguhan. Then, he put his arm over my shoulder. "Here. Let's go." Ginabayan niya ako tungo sa isang bench. Doon, nauna siyang umupo. Hinawakan niya naman ang baywang ko at hinayaan akong tumayo sa harap niya. Oh! God knows how I literally forgot to move. His touch gave me strange electricity that flowed all over my body. “Just stay,” utos niya pa na wala sa wisyo ko namang ginawa. I was too stunned to move so I didn't make an effort to do what he wanted me to do. My heart betrayed me too. It started to beat faster. Kahit nakatayo na ako sa harapan niya at siya'y nakaupo sa bench, magkapantay pa rin ang tingin namin sa isa't isa. “Where is he?” We heard a girl ask herself. Dahil doon, mas humigpit ang kapit niya sa baywang ko. Bahagya ko namang nahigit ang aking hininga. “s**t. Stay still. Itago mo 'ko,” bulong pa ni Law. “Gosh. I lost him,” the girl said before she finally ran away. Doon lang nagbuga ng malalim na hininga ang kasama ko. Mukhang may babae na naman palang naghahabol sa kanya. I noticed that he was wearing a varsity jacket. Dito yata siya nag-aaral ng "senior" year niya. Dahil sa naisip ko, tuluyan ko nang naalala ang sitwasyon naming dalawa. I untangled his arms around my waist and took a step back. Hindi niya naman iyon inalintana. “Thanks for helping. You want something? My treat,” aya niya nang makabawi rin. Tumayo na rin siya. Sa totoo lang, ayaw ko na sanang dumikit pa nang dumikit sa kanya e. I don't want to be linked to him again. It feels morally wrong! Kaso nagpumilit siya. Talagang binalikan namin ang bibilihan ko sanang food booth at siya na ang nagbayad ng mga in-order ko. Wala na rin tuloy akong nagawa kung 'di umaktong kaswal na tila ba walang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ganoon din naman kasi siya umakto. “Bakit ba may naghahabol na naman sa ‘yo?” tanong ko kay Law habang naglalakad kami tungo sa bleachers kung saan ko iniwan si Rhea. “You know. Usual fine men problems,” may pagkamahanging tugon niya naman. “Asa ka.” He then chuckled when I didn't believe what he said. Well, I kinda do believe him. I just don't want to directly admit it. Baka mas lalong lumaki ang ulo niya e. We continued walking together. I was beginning to be comfortable again until he opened up our past. “You never called me,” aniya ba naman na siyang ikinataranta ko agad. Oh hell. Not this topic! “H-Hindi pa kumikidlat.” Sa kaba ko, kung ano na lang ang naidahilan ko. Parang gusto ko na lang kaltukan ang sarili dahil sa kabobohan ng dahilan ko. Why so stupid, Eve? “What?” Maski si Law ay natawa. Ang bobo ko naman kasing mag-reason out! Para maiba ang usapan, pinagtabuyan ko na lang siya. “Bumalik ka na nga sa kung saan ka man galing!” utos ko. Ang pisngi ko'y sobrang init na naman dahil sa kahihiyan. Instead of taking my order seriously, he changed the topic too. “Saan kayo nakaupo ng kaibigan mo? Hatid na kita.” Seriously? Sasamaan ko sana siya ng tingin kaso ay pagtingin ko sa harap, may nakaharang na babae't lalaki sa daraanan namin. They stopped walking maybe for the same reason why Law and I stopped too: shocked. “T-Theo!” gulantang na tawag ko sa ex kong hindi ko inaasahang makakasalubong ko rito. He was with a new blonde girl and was glaring at me. Nang tingnan ko naman ang kaakbay niyang babae, nakatulala lang ito sa kasama ko. “L-Law!” nauutal din na pagtawag ng babae sa katabi ko. I brought back my eyes to my ex who started to alternately look at me and Law. Mukhang bago sa kanyang may makita akong ibang lalaki. And he looked pissed. Hindi ko alam kung dahil iyon sa presensiya ko o dahil sa presensiya ng kasama ko. But as an instinct, I secretly took a step away from Law. Akala ko hindi iyon mapapansin ng katabi ko pero pagkaangat ko ng tingin, nasa akin lang pala ang titig niya. Then, I noticed how his jaw moved when he clenched his teeth. Bahagya pa siyang umiling at parang sinasabing, "I know what you're doing." To my surprise, Law slowly slid his hand to claim mine then he intertwined our fingers. Right in front of Theo and his new girl. Like… what the hell?! Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya, hindi ako agad nakapagreklamo at napasinghap lang. Mas lalo ko namang ikinawindang ang sunod niyang sinabi. “Let’s go, babe,” aniya bago ako inilayo sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD