CHAPTER 6
Movie
“W-What was that?” nauutal na tanong ko kay Law nang tuluyan kaming nakalayo kina Theo at sa babae nito.
For some reason, my heart never calmed down. Patuloy ang mabilis na t***k nito lalo na't kasama ko si Law.
I looked at Law's masculine back. Pinangungunahan niya kasi ang paglalakad namin at hinahatak niya lang ako. Magkahawak pa rin ang mga kamay naming dalawa.
“I saved you, you know?” prenteng sagot niya lang at tuluyan akong pinukulan ng tingin.
For the first time, I saw that he was dead serious.
“You can’t just show that bastard that you’re always free for him. He needs to know you’re worth,” dagdag niya pa.
Napatitig ako sa mga mata niyang kulay ambar. Mas mukhang naging espesyal ang kulay ng mga ito nang masinagan ng araw.
With my heart slightly aching in a good way, I muttered, “Thank you.”
Sa hiya ko, sobrang hina ng boses na ginamit ko. Napabuntonghininga naman si Law.
I guess maturity should not really be based on someone's age. Gaya na lang sa panahon ngayon. Minsan, mas nagme-makesense ang sinasabi ng mga kabataan kaysa sa mga prinsipyong pinanghahawakan ng mga matatanda.
Minsan, nasa mga napagdaanan 'yon ng tao kaya nag-ma-mature sila.
“Let’s go back to your friend,” pag-iiba na lang ni Law ng usapan.
Muli niya akong hinatak; hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang muna iyon.
“Kilala mo ‘yong babae?” tanong ko sa kanya.
“Nah. Am just pretty famous here. Perks of being a transferee.” He shrugged.
Another fact. Ewan. Ganito talaga sa ibang bansa. Kahit noong bagong lipat ako rito, kung saan-saan ko naririnig ang pangalan ko. Ang pinagkaiba namin ni Law, naging famous ako sa batch namin hindi sa magandang bagay.
I became famous for being an Asian. Sobrang lala kasi talaga ng racism dito sa ibang bansa. Halatang-halata pa naman ang pagiging asyano ko dahil sa singkit kong mga mata.
We continued walking until we came back to the bleachers. Bago pa kami tuluyang mapansin ng kaibigan ko, tumigil na ako sa paglalakad dahilan para matigilan din si Law.
“Uh… my friend might see us. She’s there.” I pointed Rhea by pouting my lips. Pagkatapos, dahan-dahan ko nang tinanggal ang kamay ni Law sa kamay ko.
“Thank you again, Law,” I expressed my gratitude again and smiled at him.
Tumango na lang siya at sinuklian ng tipid na ngiti ang sinabi ko.
I never really thought I'd be grateful for that day. Dahil kasi roon, nabawasan ang kagustuhan kong iwasan si Law.
I realized that it would be a good idea to have him as a friend. Ilang beses ko yatang paulit-ulit sa utak ko ang mga ginawa at sinabi niya.
Gusto ko rin na hindi niya na rin talaga pinilit na pag-usapan namin ang nangyari sa amin. He knows how to read someone.
Another week had passed. As soon as I woke up, I was excited about my today's plan.
Ngayon kasi ang premiere ng bagong movie ng One Piece, anime series na siyang kinababaliwan ko ilang taon na rin ang nakalilipas.
Since the announcement of the film, I've been so eager to watch it at the cinema. It has become my hobby whenever One Piece releases a new movie. Talagang nanonood ako.
Hinanda ko na rin ang susuotin ko para ngayon.
I put my hair on a one-sided sleek hairstyle. Isang parte lang para kahit papaano ay makita ang tatlong gintong drop earrings na isinuot ko sa aking kaliwang tainga at magaya ang itsura ng paborito kong character sa One Piece na si Zoro.
For my outfit, I chose to wear a huge emerald green silk scarf that I folded diagonally and made a triangle before I tied its two ends at my back. I paired it with black flare pants.
Handang-handa na akong pumunta sa mall at manood ng sine kaso may biglang umetra. Bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng pagkidlat.
Nice!
I began to feel the same feeling of anxiousness whenever I am alone when the lightning is striking. Bago pa lumala ang nararamdaman ko, kaagad ko nang kinuha ang cellphone ko para sana tumawag ng kung sino.
My first choice was my best friend. I called her several times but she was not answering. Naalala kong nasa trabaho nga pala siya.
Napakagat ako ng labi ko sa kaba. My second option was my ex again. I was tempted to message him until I remembered I have another option now.
“Call me when you need me again. I’ll be there.”
Buti na lang, kahit desidido ako noong hindi ko tatawagan si Law kahit kailan, tinabi ko pa rina ng iniwan niyang papel noon.
Kaagad ko na iyong kinuha at nagtipa na ng mensahe sa kanya bago pa magbago ang isip ko at lamunin ako ng kahihiyan.
Me:
Hey, Law. It’s me. Alya. Just wanna ask if you’re busy?
Right after I sent it, I threw my phone on my bed. Inabala ko ang isip ko sa ibang bagay dahil kinakabahan akong mag-reply agad si Law.
Hell!
Without a minute, I heard my phone ring.
“You good?” bungad na tanong sa akin ni Law nang magkita na kami sa mall.
I couldn’t believe he agreed to meet me right away. Sa tipo kasi niya, mukhang marami siyang babaeng sinabihan na tawagan siya. Inakala kong maraming nakapila sa araw niya ngayon kaya naman malaki ang posibilidad na hindi niya ako samahan sa mall.
Pero kita mo nga naman ngayon.
I nodded at Law’s question.
“Sorry for the trouble. I-I just have no one to call—” paghingi ko ng paumanhin na kaagad niyang pinutol.
“No worries.” He winked at me as he shifted. “So, what’s our agenda for today?”
“A-Ayos lang ba sa ‘yong samahan akong… manood ng sine?” nagdadalawang-isip na tanong ko sa kanya pabalik.
He eyed me for a little longer.
“You mean date?” hula niya naman na kaagad kong inilingan.
“No!” Of course not!
Mabilis ko ring pinagsisihan ang marahas kong pag-iling.
Hell, Eve. Baka naman isipin niyan ni Law na ayaw na ayaw mo siyang maka-date kung sakali!
Tumikhim ako at ikinalma ang sarili bago maayos na nagpaliwanag.
“May gusto lang talaga akong panooring movie. It’s my favorite anime series,” mas kalmadong sambit ko habang ang mga mata ko’y kung saan-saan dumadako puwera sa mga mata niya.
I couldn’t look at him straight in the eyes. Sobra-sobra na ang kaba ko ngayon. Mas lalo lang akong kakabahan kung titingin pa ako sa ambar na mga mata niya!
When Law took time before he could talk back, I added, “Childish, I know. But you know…”
“Nah. It’s fine with me. Deal. Let’s watch that movie.”
Tuluyan na nga akong napaangat ng tingin nang magsalita siya.
My eyes twinkled in delight because of what I heard. Kulang na lang ay bahagya akong tumalon sa tuwa.
“Really?! Thank you so much, Law!” I’ll just… pay him back after.
After that, we finally proceeded to buy tickets, popcorns, and drinks. Sabi ko, ako na ang magbabayad pero ayaw niyang pumayag.
Inside the theater, I was super excited. Most viewers were men so I kinda felt safe I was with Law. Mayroon din namang talagang nag-cosplay pa ng character sa One Piece.
I root for that kind of world. Tuluyang nawala sa isip ko ang pagkidlat sa labas.
There was also an emotional scene in the movie. Todo ang pagpipigil kong umiyak. Mabilis lang din kasi akong maapektuhan ng mga ganoong bagay.
Ayaw ko sanang mapansin ni Law pero napansin niya pa rin talaga. Nag-abot siya sa akin ng mabangong panyo na siyang ginamit ko para punasan ang mga luha ko.
“Thank you,” pasalamat ko na lang noon gamit ang maliit na boses.
It was kinda embarrassing. Buti na lang din at hindi ako inasar ni Law tungkol doon.
The ending of the movie satisfied me. It was dope. Masaya akong napanood ko iyon sa unang araw ng showing.
The whole time too, I was trying to examine Law’s reaction about the movie. Nangangamba kasi akong baka nabo-bored siya pero hindi. Talagang napansin ko rin ang pagka-engganyo niya sa pinanood namin.
“There’s one guy with the same name as mine,” puna niya pa pagkalabas namin ng sinehan.
“Yeah. Trafalgar Law. He’s kinda hot, right? Especially his voice,” I stated with enthusiasm. Isa rin kasi talaga si Trafalgar Law sa mga paborito ko sa One Piece.
“I’m hotter, you know?” mahanging banat naman ng kasama ko.
Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin pero natawa rin ako sa huli.
“So, who’s your crush in One Piece?” tanong pa ulit ni Law.
“I’d say Zoro.”
It’s kinda obvious with my look for today.
“The green-haired guy?” Mukhang natandaan din naman ni Law kung sino ang tinutukoy kong Zoro.
“Yeah.”
He acted disappointed.
“Damn. My mom should have named me Zoro then. Not Law,” biro niya pa na mas lalong nagpatawa sa akin.
“Crazy!”
I have thought of myself as a childish and gullible woman my entire life, no matter how hard I try to appear mature and strong. Iyon din kasi ang madalas sabihin sa akin ng kuya ko at ni Theo kaya dumating sa puntong, iyon na rin ang nakaukit sa isip ko.
So… I couldn't help but be bursting with joy now that someone accompanied me into this hobby of mine, without indicating how childish this is for my age.